April Boy puro praise song ang kino-compose | Bandera

April Boy puro praise song ang kino-compose

Cristy Fermin - May 20, 2015 - 02:00 AM

april boy

Pagkatapos nang mahaba-habang panahon ay balik na uli sa paggawa ng komposisyon ang Jukebox King na si April “Boy” Regino.
Hindi simple ang kanyang pinagdaanan, maraming nilampasang paghamon ang tinaguriang Idog Ng Bayan, puro pagpapasalamat sa Diyos na lang ang palagi niyang sinasabi ngayon.

At sa pagbuti ng kanyang kalagayan ay pagko-compose uli ang hinarap niya, marami na siyang nasusulat na piyesa ngayon, pagre-recording na ang kanyang pinaghahandaan.

“Marami na po siyang nagawang composition, karamihan, praise song, dahil sa matinding pinagdaanan niya na hindi siya pinabayaan ng Panginoon.

Payback time, sabi niya, dahil binigyan pa uli siya ng panibagong buhay,” kuwento sa amin ng kanyang misis na si Madel.
Bukod sa tulong ng mga panalangin at ng mahuhusay niyang doktor ay gustong magpasalamat ni April “Boy” Regino sa pamunuan ng Sante Pure Barley.

Napakalaking tulong ang nagawa ng Sante Pure Barley sa kanyang pagkakasakit, regular niyang iniinom ang Barley juice at capsules na tunay namang nakatulong sa paglinis ng kanyang katawan, milagroso nga ang produktong ito.

Kami man ay personal na nagpapasalamat kina Joey Marcelo at Kitkat Diestro ng Sante Pure Barley dahil sa napakapositibong epekto ng kanilang produkto mula sa New Zealand sa paggaling sa sakit ng mga kaibigan naming pinagrekomendahan namin ng Sante Pure Barley.

Para lang silang nagdahilan, napakalaki ng natipid nila sa pagpapaospital, totoo ang mga kuwento ni April “Boy” Regino at ni Kuya Kim Atienza pati na ni Piolo Pascual tungkol sa malaking tulong na nagagawa sa kanila ng produktong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending