Catriona nanawagan ng donasyon para sa Smile Train; may pa-video greeting
NANAWAGAN si Miss Universe 2018 Catriona Gray ng donasyon para sa isa niyang advocacy na naglalayong makapagbigay ng masayang “ngiti” sa mga kabataan.
Ang tinutukot ni Catriona ay ang matagal na niyang tinutulungan na non-government organization (NGO), ang Smile Train Philippines na nasa likod ng pagpapa-opera sa mga kababayan nating may cleft lip and cleft palate.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Catriona ng video kung saan nakikiusap nga siya ng tulong pinansiyal for Smile Train Philippines bilang bahagi ng kanyang birthday month celebration.
Ayon sa host at beauty queen, limang taon na siyang global ambassador ng STP kaya napakalapit ng adbokasiyang ito sa kanyang puso.
Baka Bet Mo: Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!
“Join me in giving the gift of smiles! My birthday is coming up and once again I’m hosting a birthday fundraiser for the benefit of Smile Train Philippines. @smiletrainph.
View this post on Instagram
“Children born with cleft are faced with overcoming challenges eating, breathing and speaking. As well as the effects on their confidence and self esteem,” simulang pagbabahagi ni Catriona.
Patuloy pa niya, “Smile Train offers free, comprehensible cleft care to over 90 countries around the world and its DONORS like YOU that allow this incredible work to be possible!
“As an added incentive to donate towards Smile Train Philippines for my birthday fundraiser, simply email your proof of donation deposit slip to [email protected] with a minimum donation of Php2,500 / $43 and I’ll create a personalized video greeting for you!
“Please note: greetings for personal use only!
“All donations will go towards giving free and comprehensive cleft care to children affected with cleft,” ang buong mensahe ni Catriona.
Bukod dito, kilala rin si Catriona bilang advocate ng HIV (human immunodeficiency virus) awareness. In fact, dumalo pa siya sa 25th International Aids Conference sa Munich, Germany.
Ang International Aids Conference ay nagsimula pa noong 1985 at itinuturing na world’s largest conference on HIV and AIDS (acquired immunodeficiency syndrome).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.