Catriona tsinugi sa IG ang ‘engagement’ photos nila ni Sam Milby

Catriona Gray tsinugi sa IG ang ‘engagement’ photos nila ni Sam Milby

Pauline del Rosario |May 09,2024
facebook
share this

Catriona Gray tsinugi sa IG ang ‘engagement’ photos nila ni Sam Milby

Pauline del Rosario - May 09, 2024 - 10:36 AM

Catriona Gray tsinugi sa IG ang ‘engagement’ photos nila ni Sam Milby

PHOTO: Instagram/@samuelmilby

MALABO na ba talaga ang “road to forever” ng engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby?

‘Yan ang tanong ng maraming fans at netizens matapos mapansin na hindi na makita sa Instagram account ng beauty queen ang engagement photos nila ng aktor.

Kung matatandaan, February last year nang ma-engage ang dalawa na kung saan ibinandera nila sa kani-kanilang IG page ang litratong magkalapit ang mukha sA isa’t-isa habang may hawak na cups na may nakasulat na “Mr. Milby” at “Future Mrs. Milby.”

Caption pa riyan noon ni Miss Universe 2018,  “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè.”

Samantala, nang tingnan namin ang IG account ni Sam ay nandoon pa rin ang engagement post niya with Queen Cat.

Baka Bet Mo: Catriona Gray, Sam Milby matagal nang hiwalay, true kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)

Magugunitang kumalat ang chika na hiwalay na raw sina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na hindi na suot ng beauty queen ang kanyang engagement ring.

Nasundan pa ito nang mabanggit ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ang tungkol sa sinasabing breakup ng engaged couple.

Paglalarawan ni Ogie, tila parang sina Jericho Rosales at Kim Jones ang peg ngayon ng engaged couple base sa kanyang source.

Matagal na, aniya, hiwalay sina Sam at Cat pero nananatili raw silang magkaibigan.

Bandang huli ay nagpaabot ng mensahe ang talent manager-vlogger sa mga manonood at nilinaw na pawang mga chismis pa lang ang mga nasasagap nilang kwento mula sa kanilang sources.

Ngunit agad namang nagkaroon ng paglilinaw ang Cornerstone na hindi pa hiwalay sina Cat at Sam, pero kasalukuyang inaayos ng dalawa ang problema sa kanilang relasyon.

Makalipas niyan ay mukhang naging maayos naman ang lahat sa pagitan ng dalawa dahil ilang beses silang nakikita na magkasama sa kabila ng nahaharap na mga isyu.

Kagaya noong Marso na tila nakipag-double date pa sina Catriona at Sam kasama ang mag-asawang sina Isabel Oli at John Prats.

Spotted din ang engaged couple noong Abril sa birthday party ng presidente ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo na ginanap sa Pampanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As of this writing, wala pang update sina Cat at Sam patungkol sa relationship status nila ngayon.

Bukas naman ang BANDERA na pakinggan ang kanilang panig kaugnay riyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending