Catriona Gray, Sam Milby matagal nang hiwalay, true kaya?

Catriona Gray, Sam Milby matagal nang hiwalay, true kaya?

Pauline del Rosario |February 25,2024
facebook
share this

Catriona Gray, Sam Milby matagal nang hiwalay, true kaya?

Pauline del Rosario - February 25, 2024 - 11:13 AM

Catriona Gray, Sam Milby matagal nang hiwalay, true kaya?

PHOTO: Instagram/@samuelmilby

TOTOO kaya ang latest chika ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na hiwalay na ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby?

Sa YouTube vlog na “Showbiz Now Na,” inilarawan ni Ogie na tila parang sina Jericho Rosales at Kim Jones ang peg ngayon ng engaged couple.

May nagsabi raw kasi sa kanya na kahit break na sina Catriona at Sam ay nananatili silang magkaibigan umano.

Ayon sa vlogger, hindi siya naniniwala sa nasagap niyang balita pero nais niya mismo marinig sa couple kung ano ang estado ng kanilang relasyon ngayon.

Sey ni Ogie, “May nagchika lang sa akin – pero itatanong na rin natin sa kanila…Ano ba talaga real score Sam Milby at Catriona Gray?”

Baka Bet Mo: Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

“Kasi may nagsabi sa akin na, ‘Uy, wala na sila Ogie’,” pagbubunyag daw sa kanya ng nakausap.

Sagot naman niya sa nagchika, “‘Huh? Eh ‘nung isang araw lang magkasama sila.’”

“‘Magkaibigan naman sila eh’,” tugon sa kanya ng source.

Sa katunayan nga raw ay hiwalay na ang dalawa ‘nung nagdiriwang ng birthday si Catriona noong January 6.

Patuloy ng talent manager, “Sabi niya, ‘nung birthday ni Catriona Gray, wala na sila…at nandoon naman daw si Sam, pero sila raw ay magkaibigan na lamang. Kaya sabi ko, ‘hindi ko alam ‘yan, baka iniintriga mo lang ‘yan’.”

Dagdag pa ng vlogger, “Tsaka lang ako maniniwala pag sila mismo dalawa ang nag-announce na wala na sila at hindi na tuloy ang kanilang kasal.”

Kasunod niyan ay chinika rin ni Ogie ‘yung time na nagkita sila ni Catriona sa isang event at tila tinatago raw ang isang kamay para hindi makita kung may suot na singsing.

“One time sa isang event, nakita natin si Catriona na nakaganun,” sey ng talent manager habang dine-demonstrate kung paano tinatago ng beauty queen ang isang kamay.

Sabay ani ni Ogie, “Hindi niya pinapakita daliri niya.”

Baka Bet Mo: Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Sabat naman ni Dyosa Pockoh, “At nagmamanman ka na Tita Ogie.”

Sagot sa kanya ng talent manager, “Hindi. Siyempre, na-curious ako…na parang walang singsing.”

Tugon ni Mama Loi sa kanya, “Wala kang nakita?”

Sambit ni Ogie, “Sana meron akong nakita, sana malabo lang talaga mata ko. ‘Yun nga medyo nabahala ako. Kasi ako, gusto ko sila eh. Bagay talaga si Sam at Catriona. Sana nga andoon tayo sa nakalimutan lang isuot ‘yung singsing at tuloy pa rin ang kasal.”

“Ano raw ba rason sabi ng source mo?” tanong sa kanya ni Mama Loi.

Sagot ni Ogie, “Sabi sakin, parang ang rason daw ay na-realize daw ni Sam na hindi pala siya handa na magpakasal.”

At dito na rin sinabi ni Mama Loi na may nagchika sa kanya na ilang buwan nang hiwalay sina Catriona at Sam.

“Parang tumutugma ‘yung sinasabi mo sa isang nag-message sakin from Australia, na ‘yun nga daw, wala na sila Catriona at Sam,” wika ng kasama ni Ogie.

Patuloy niya, “Parang may nagkwento sa kanila na close sa family ni Catriona na ‘yun na nga daw, matagal nang wala sina Sam Milby at Catriona Gray ilang months na daw. Tapos parang ang reason naman ng paghihiwalay is may nag-fall out of love. Hindi daw alam kung sino sa dalawa.”

Bandang huli ay nagpaabot ng mensahe si Ogie sa mga manonood at nilinaw na pawang mga chismis pa lang ang mga nasasagap nilang kwento mula sa kanilang sources.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Since ‘yan ay mula sa aming mga sources na hindi naman namin sinasabing credible sila o reliable sila, pero may mga connect connect sila sa family. So hindi natin alam kung ito’y totoo, kung sila’y iniintriga lang,” lahad niya.

Ani pa ng vlogger, “Basta ang importante, let’s all wish them the best. ‘Yun lang ‘yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending