Sam Milby, Catriona Gray sa ibang bansa nga ba ikakasal? | Bandera

Sam Milby, Catriona Gray sa ibang bansa nga ba ikakasal?

Reggee Bonoan |February 17,2023
facebook
share this

Sam Milby, Catriona Gray sa ibang bansa nga ba ikakasal?

Reggee Bonoan - February 17, 2023 - 06:18 PM

Kasal nina Sam Milby, Catriona Gray sa ibang bansa nga ba gagawin?

SA Australia pala ginanap ang marriage proposal ni Samuel Lloyd L. Milby (Sam Milby) sa fiancée niyang si Catriona Elisa Magnayon Gray (Catriona Gray) kaya pala tahimik ang dalawa.

Nalaman lang ng publiko nang mag-post si Sam nitong Huwebes ng larawan nila ni Catriona sa kanyang Instagram account na magkaharap sila at pareho silang may ng coffee cups na may nakasulat na ‘Mr. Milby’ at ‘Future Mrs. Milby.’

Kaya pala matagal nagbakasyon sina Sam at Catriona sa Australia recently kung saan doon din naka-base ang magulang ng dalaga.

Nalaman naming nagtagal ang aktor sa nasabing bansa sa mediacon ng “The Diary of Mrs. Winters” nang tanungin siya kung mag-guest siya sa concert ni Toni Gonzaga-Soriano noong Enero 20 at sinagot niya ng hindi at wala rin siyang alam sa concert dahil nasa Australia nga siya.

Napansin din naming nag-iba ang facial expression ni Sam noong magtanong kami kung kailan at mangyayari ba ngayong taon ang proposal niya kay Cat na inisip siguro niyang may alam na kami.

Ang totoo ay wala pero may kutob nga kaming ngayong taon mangyayari ,e, naganap na pala at itinaon niya bago siya umalis patungong Toronto, Canada para sa shooting ng pelikula nila ni Judy Ann Santos.

Eversince talaga ay low-key si Sam sa mga bagay na nagaganap sa kanyang buhay at never naging showy o flaunting, maging si Catriona ay ganito rin ang ugali na kaya lang nagpo-post ng mga achievements niya ay dahil kailangan.

Nang biruin pa namin ang aktor na if ever ikakasal na sila ni Cat ay imbitahin ako at sinagot kami ng, “e, paano ate Reg sa ibang bansa gagawin?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)

Anyway, ang simple ng presentasyon ni Catriona ng engagement ring niya na hawak ang coffee cup sa kaliwang kamay kung saan suot nito ang singsing.

Ang caption ni Sam ay, (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala… now my fiancé.”

Sinagot naman ito ni 2018 Miss Universe ng, “I love you.”

As of this writing ay umabot na sa 216,000 ang nag heart sa larawan nila at mahigit 3,000 comments naman ang mga nabasa naming binabati ang dalawa at boto sila dahil perfect combination ang SamCat mula sa mga taga-showbiz industry, non-showbiz friends at netizens.

Sabi naman ng Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment at manager nina Sam at Cat na si Erickson Raymundo.

“You guys deserve each other! Happy for the both of you (emojis three hearts).

Congratulations Sam and Cat.

 

Related Chika:
Catriona Gray, Sam Milby engaged na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sam Milby excited nang pakasal at magka-baby kay Catriona Gray: Hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo!

John wish na ma-experience na ni Sam ang magkapamilya: Hindi naman sa pini-pressure ko siya na I have 3 kids na…

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending