Celeste Cortesi ilang beses bumagsak habang kinakarir ang pasarela training para sa Miss Universe 2022 | Bandera

Celeste Cortesi ilang beses bumagsak habang kinakarir ang pasarela training para sa Miss Universe 2022

Ervin Santiago - November 28, 2022 - 11:46 AM

TODO-TODO na ang ginagawang training ngayon ni Celeste Cortesi para sa Miss Universe 2022 na gaganapin sa New Orleans, Louisiana sa January, 2023.

Ibinahagi ni Celeste sa madlang pipol ang paghahanda niya sa inaabangang international beauty pageant at kung anu-ano ang mga pinagdaraanan niyang pagsubok sa kanyang preparasyon.

Pag-amin ng Pinay beauty queen,  ilang beses daw siyang bumagsak habang kinakarir ang pasarela training, lalo na ang gagawin niyang pasabog na rampa sa Miss Universe stage.

Sa isang YouTube video, ipinakita nga ng dalaga ang ilan sa mga ginagawa niyang paghahanda bago sumabak sa pre-pageant at sa mismong coronation night ng Miss Universe.

Inamin ni Celeste na hindi pala biro ang paglalakad at pagrampa nang paulit-ulit sa loob ng mahigit dalawang oras. Nakakapagod at nakaka-stress daw talaga ito.

“No matter how many times you fall, you always have to stand up with a smile,” aniya.

Nagpasalamat din ang dalaga kay Miss Universe Philippines director Jonas Gaffud na tumulong sa kanya at nagturo ng ilang techniques sa bonggang paglalakad.

“He also told me the importance of enjoying when I am on stage. As long as I am confident and I am enjoying every single step then I will be able to succeed.

“My training is doing so well. This is only the beginning. Come walk with me on the road to Miss Universe,” pahayag pa ni Celeste.

Ngayon pa lang ay ipinagdarasal na ng mga Pinoy pageant supporters si Celeste na sana’y maiuwi nga niya uli sa Pilipinas ang Miss Universe 2022 title and crown.

Related chika:

Celeste Cortesi may pasabog bago ang Miss Universe pageant

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi umaming natakot sa pagbisita sa Marawi, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi kinilalang ‘Woman of Style and Substance’: Beauty should always go beyond physical appearance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending