Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi kinilalang ‘Woman of Style and Substance’: Beauty should always go beyond physical appearance
ILANG buwan pa bago sumabak sa Miss Universe competition ay may inuwi nang parangal ang ating pambato na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Kinilala kasi siya ng lifestyle magazine na “PeopleAsia” bilang isa sa “Woman of Style and Substance” ngayong taon.
Naganap ang awarding ceremony sa Okada Manila noong October 10.
Tinanggap ng 24-year-old Filipino-Italian beauty queen ang “trophy” suot ang black off-shoulder gown na gawa ni Anthony Ramirez.
View this post on Instagram
Sa Instagram ay nag-post din si Celeste ng kanyang litrato habang hawak ang nakuhang patimpalak.
Nagpapasalamat ang beauty queen at sinabing hindi lang dapat makita sa pisikal na anyo ng isang babae ang pagiging “woman of style and substance,” kundi ito raw ay nagbibigay ng inspirasyon sa iba.
Caption niya, “I am extremely honored to be able to stand alongside brilliant and empowered women, thank you People Asia for this award as woman of style and substance.
“I will cherish the meaning of this award for the rest of my life and I hope to continue inspiring people through authenticity, relatability and kindness.”
“This is a constant reminder that beauty should always go beyond physical appearance, how you inspire others and what you do to help your community is what truly matters,” aniya.
View this post on Instagram
Bukod kay Celeste, tumanggap din ng nasabing “award” sina French Ambassador Michèle Boccoz, Sen. Risa Hontiveros, Tourism Secretary Christina Frasco, Grab Philippines country head Grace Vera Cruz, at marami pang iba.
Si Celeste ang kakatawan sa Pilipinas sa 71st Miss Universe pageant na mangyayari sa New Orleans sa Amerika sa Enero.
Read more:
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.