Celeste Cortesi may pasabog bago ang Miss Universe pageant Bandera

Celeste Cortesi may pasabog bago ang Miss Universe pageant

Armin P. Adina |November 24,2022
share this

Celeste Cortesi may pasabog bago ang Miss Universe pageant

Armin P. Adina - November 24, 2022 - 05:29 PM
Celeste Cortesi may pasabog bago ang Miss Universe pageant

Tampok si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee (gitna) sa ‘The Beautiful Kitchen,’ kasama ang mga reyna niyang sina Celeste Cortesi (kaliwa) at Beatrice Luigi Gomez./ARMIN P. ADINA

HABANG naghahanda para sa papalapit na Miss Universe pageant dalawang buwan mula ngayon, isang pasabog ang nilabas ng kinatawan ng Pilipinas na si Celeste Cortesi nang ipakita niyang siya ang cover girl ng unang edisyon ng digital magazine na “E ph” na lumabas noong Nob. 22.

“I want to say thank you so much to the people that are supporting me and loving me unconditionally, especially to the fans that have been with me since day one,” sinabi ng kasalukuyang Miss Universe Philippines titleholder nang ipakita ang magasin sa “Empyreal Glamour” event ng Empire Philippines sa Estancia Mall sa Pasig City noong Nob. 22.

Naglambing din ang Italian-Filipino model and realtor sa mga kababayan na iboto na siya sa Miss Universe mobile app. “I’m feeling a bit excited. I’ve been preparing a lot, and I know I have behind me the best team. So I’m going there, representing the Philippines very proudly. I’m gonna do my best to bring home the fifth crown,” aniya.

Ipinakikita ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi (kaliwa) ang bago niyang magazine cover kasama ang host na si Nico Locco./ARMIN P. ADINA

Isa rin si Cortesi sa mga host ng digital series na “The Beautiful Kitchen,” mula rin sa Empire Philippines, na nilunsad din sa nasabing event. Kasama niya sa cooking show ang mga kapwa niyang Miss Universe Philippines titleholder na sina Rabiya Mateo at Beatrice Luigi Gomez, at si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee.

Tampok naman ang second runner-up ni Cortesi at si 2022 Miss Universe Philippines finalist Chantal Schmidt sa isa pang Empire PH digital series na “Beach Beauties” kung saan din mapapanood si 2021 finalist Corrine Abalos.

Ngunit hindi lang mga beauty queen ang tampok sa mga bagong palabas ng digital channel. Mapapanood sa “Main Attraction” sina pageant king, model, and actor Argel Saycon, host Brian Gocheco, at Elyson De Dios sa four-episode series.

Lahat ng digital shows lumabas sa Empire Philippines YouTube channel noong Nob. 22, kung kailan din lumabas online ang magasing tampok si Cortesi.

Sinabi ni Empire Philippines head Jonas Gaffud sa Inquirer sa paglulunsad na maglalabas ng mga bagong cover kada linggo ang unang edisyon ng magasin, at may mga bagong edisyon naman kada buwan.

“That’s a magazine I thought of in 2005. And then in 2010 I thought of just making shows on TV. But I didn’t have the budget, I didn’t have any means to produce shows and to publish a magazine. So in 2018 we launched it, but we became busy with the Miss Universe Philippines during the pandemic,” ibinahagi niya.

Ngunit nang napansin niyang lumalaki na ang content mula sa national pageant sa Empire Philippines YouTube channel, naisip na nilang ituloy ang mga isinantabing proyekto.

Nakatayo si Empire Philippines Head Jonas Gaffud (kaliwa) katabi ng laksa ng mga reporter na pumapaligid sa reyna niyang si Miss Universe Philippines Celeste Cortesi./ARMIN P. ADINA

“We are not only about beauty pageants. It’s Empire, so it has to be all encompassing. Now Empire PH is a mix between digital magazine and digital content,” pagpapatuloy pa ni Gaffud.

Nasungkit ni Cortesi ang titulo niya nitong Abril at kakatawanin ang Pilipinas sa ika-71 Miss Universe pageant sa New Orleans, Louisiana, sa Estados Unidos, sa Enero 14 (Enero 15 sa Maynila).

Related Chika:
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi may inamin tungkol kay Pia Wurtzbach, ano kaya yun?

Celeste Cortesi sa pagkapanalo bilang Miss Universe PH 2022: I’ve received my second chance, I’ve worked so hard for this!

Celeste Cortesi nangarap maging beauty queen matapos mapanood si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending