Mommy Carol ni Juday di kunsintidorang nanay
BAGO mag-Mother’s Day noong Linggo ay nakausap namin ang dalawang nanay ng mga kilalang celebrities na malapit sa amin – sina Mommy Carol Santos nina Judy Ann at Jeffrey Santos at si Mommy Elvie Gonzales, ang ina nina Charlene Gonzales.
Taong 1997 nang makilala namin si Mommy Elvie at naging kaibigan, ito ‘yung panahong sikat na sikat si Charlene dahil sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas. Naging malapit din kami sa mga anak niyang sina Charlene at Richard Bonnin.
Istriktang nanay si mommy Elvie dahil nakita namin kung paano niya pagalitan si Charlene na noo’y nag-aaral pa lang sa UST sa kursong BS Psychology dahil plano nitong ituloy sa medisina.
Samantalang si Richard naman ay ayaw nang mag-aral dahil mas gusto raw nitong mag-artista. Para kay mommy Elvie, “Ang biggest challenge sa akin is how to raise my two kids because being a single mom is no joke.
Siyempre iisipin ko kung paano sila palalakihin ng maayos at pag-aaralin. Kaya lahat ng work na maayos pinasok ko, pati cake business ay pinasok ni mommy Elvie).
“Paano ko napagtagumpayan ang challenges, looking them (Charlene at Richard) now, both professionals and may magandang buhay, I think, ‘yan ang konsuwelo ko bilang single mom, to raise my kids so well.
“I’m happy that Charlene is married to Aga at maayos ang buhay nila with my two apos, Atasha and Andres. Right now, Charlene is still taking her masteral,” anito.
At si Richard Bonnin, “He is now based in California with her family, his wife is a nurse, they work in the same hospital, and they have two kids now.”
Samantala, isa sa mga paborito naming mommy sa showbiz ay si Mommy Carol Santos, ang fighter ding nanay nina Juday.
Kaya namin siya paborito ay dahil hindi niya kinakampihan ang mga anak kapag nagkamali, hindi rin niya itinatago ang mga anak kapag may isyu, siya pa nga ang nagsasabi sa mga ito na matutong humarap sa mga problema at higit sa lahat, hindi siya “showbiz”.
Hindi itinago ni Mommy Carol na kinailangan niyang pumunta ng Canada para buhayin ang maliliit niyang tsikiting noon at sa murang edad ni Jeffrey ay ito na ang tumayong nanay at tatay ng mga kapatid niyang sina Juday at Jackie na naiwan dito sa Pilipinas.
“Biggest challenge sa akin ay ‘yung pagiging single mom ko, pero with the help of my kids, naging maayos ang buhay ng lahat, parang ako lang ang nag-steer ng bangka para sa tamang linya ng life,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.