Balikat ni Pacman kailangang operahan kung... | Bandera

Balikat ni Pacman kailangang operahan kung…

Reggee Bonoan - May 05, 2015 - 02:00 AM

manny

Iisa ang komento ng lahat ng nakapanood sa ginanap na laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr., wala raw ginawa ang Amerikanong boksingero kundi tumakbo at yumakap kay Pacquiao – kaya paano siya nanalo?

Sa isang daga naman ikinumpara ni Mommy Dionesia Pacquiao si Mayweather dahil nga puro pagtakbo lang ang ginawa nito sa loob ng ring.

Iilan lang naman daw ang tumanggap na natalo si Pacquiao dahil halos lahat ay ang anak ni Mommy Dionesia ang isinisigaw na kampeon sa nasabing laban.

Samantala, ngayong araw ay nakatakdang sumailalim sa MRI (magnetic resonance imaging) si Pacman, ito’y upang malaman kung kailangan niyang sumailalim ng operasyon dahil sa kanyang shoulder injury.

Sa interview ng Umagang Kay Ganda kay Manny kahapon, sinabi niyang bago pa sila magharap ni Mayweather noong Linggo ay sumasakit na ang balikat niya.

Ito ang dahilan kung bakit hiniling niya na bigyan siya ng anti-inflammatory shot bago ang laban nila ni Mayweather.
Pero hindi pumayag ang Nevada Athletic Commission (NAC), ang siyang nangangalaga sa kundisyon ng kalusugan ng dalawang boxer.

Kailangan ito ni Pacman para mamanhid ang kanyang balikat. “Kinausap sila, pero matigas sila, e. Kumbaga, sabi ko na lang, ‘Sige, okay lang,’” ani Pacman sa nasabing panayam.

Pero nilinaw ni Pacquiao na torn ligament lang ang iniinda niya sa balikat at hindi raw ito putol, “Punit, punit siya. Three weeks ago, before the fight, pina-MRI ko. May punit siya. Ngayon, patingnan ko ulit.”

Nakita naman namin sa social media ang larawan ng ilang local celebrities natin na talagang sumuporta kay Pacman sa laban nila ni Floyd.

Ilan nga sa mga ito ay sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Xian Lim at Kim Chiu na nanood sa La Salle Greenhills sa San Juan City. Nandoon din ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending