INULAN ng yelo ang ilang bahagi ng Quezon City matapos namang maranasan ang pag-ulan sa Metro Manila at ilang iba pang bahagi ng Luzon.
Ayon sa ulat, ganap na alas-2 ng hapon nang maranasan ang pag-ulan ng yelo, partikular sa kahabaan ng Visayas ave.
Naranasan naman ang pag-ulan sa maraming lugar sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon.
Sinabi ni Buddy Javier, weather forecaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na normal naman ang pag-ulan sa kabila ng nararanasang tag-init sa bansa.
Idinagdag ng Pagasa na kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Quezon City, Marikina, North Caloocan; Rizal (Antipolo, Rodriguez, San Mateo); Bulacan (Norzagaray, Angat, San Jose del Monte, San Ildefonso, San Miguel); Laguna (Calauan, San Pablo, Bay); Pampanga(Candaba, Arayat); Zambales (San Marcelino, Castillejos, Subic); and NuevaEcija(Cabiao, San Isidro, Gapan).
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naranasan ang pag-ulan sa bansa. Noong isang taon, nakaranas ng pag-ulan ng yelo sa Makati City, Compostela Valley at Rodriguez, Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.