Kim kay Maja: Kaya niya 'yan, alam kong matapang siya! | Bandera

Kim kay Maja: Kaya niya ‘yan, alam kong matapang siya!

Ervin Santiago - April 21, 2015 - 04:58 PM

kimchiu maja

“IRESPETO na lang natin ang desisyon nila!” Ito ang naging tugon ng Kapamilya Drama Princess na si Kim Chiu tungkol sa break-up nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Kanina sa presscon para sa bagong album ni Kim na may titulong “Chinita Princess” tinanong ang aktres kung ano ang feeling niya na sa hiwalayan din nauwi ang ipinaglabang relasyon ng kanyang ex-boyfriend at ng kanyang dating best friend. Sagot ni Kim, “Wala na po ako diyan. Siguro it’s their decision, nasa kanila ‘yan and they are asking for respect and privacy so ibigay natin yon. “Hayaan na lang natin, respeto na lang natin sa kanila kasi siyempre hindi madali ‘yon at hindi simple ‘yung bagay na ‘yon,” dugtong pa niya. Sinabi pa ni Kim na wala na silang samaan ng loob ni Maja, “Sobrang okay naman na kami. Sa mga nakikita nila sa mga pictures sobrang okay, lahat ayos na.” Pero ano ang gagawin niya kung biglang lumapit sa kanya si Maja at magsumbong? “Alam ko naman strong siya, kaya alam kong kaya niya ‘yon. Kaya niya ‘yan. Sobra siyang strong at madami siyang friends na happy na nakapaligid sa kanya.” Pahabol pa ni Kim, “Hindi lang naman lahat ng heartbreak (pero) every struggle in life maganda ‘yan kasi you will become a better person,” she said when asked to give her unsolicited advice. “Kasi everything happens for a reason. ‘Yan ang saying ko talaga sa buhay ko. Lahat ‘yan nangyayari kasi may reason si God kung bakit mo naranasan ‘yan at kung bakit nangyari ‘yan,” aniya pa. Nagulat naman si Kim nang may magtanong kung bukas ba siya sa posibilidad ng pagbabalikan nila ni Gerald, “Hala, kayo talaga, hayaan na muna natin yan i-promote ko muna ang singing career ko,” na ang tinutukoy nga ay ang kanyang second album na “Chinita Princess” na available na ngayon sa inyong favorite record bars. Ang bago niyang kanta na “Mr. Right” ang carrier single ng album na sure na sure kaming dedicated niya sa kanyang ka-loveteam na si Xian Lim.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending