Jane kay Jeron: Pareho kami ng pananaw sa love, di minamadali! | Bandera

Jane kay Jeron: Pareho kami ng pananaw sa love, di minamadali!

Julie Bonifacio - February 19, 2015 - 02:00 AM

jane oineza
GRABE pala ang clamour ng netizens sa young actress na si Jane Oineza. This we’ve found out sa isang kilalang showbiz news online. Naging malakas ang impact ni Jane sa social media nu’ng nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya.

Kaya hanggang paglabas lagi na raw tinututukan ang mga kaganapan sa young actress. Update ang online fans ni Jane from the first time na na-link siya sa sikat na basketball player na si Jeron Teng.

At ngayon, pati sa leading man niya sa panghapong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, na si Jerome Ponce, marami ang kinikilig, huh!

Hindi naman daw sagabal si Jeron sa loveteam nila ni Jerome sa nabanggit na programa, in fact, very supportive ang basketball player sa kanyang mga ginagawa bilang aktres.

Naikumpara ni Jane ang pagmamahal ni Jeron sa kanya sa character niya bilang si Corrine sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, “Actually, siguro ‘yung sa soap (opera) ganoon din siya, naniniwala siya that love can wait.

At parehas din naman kami ng stand about it (love) na ‘yun nga, hindi naman kami nagmamadali,” pahayag ni Jane. Very challenging ang role ni Jane sa bago niyang serye lalo na’t isa siya sa mga bida, “Challenging nga po kasi gusto ko ring patunayan ang sarili ko at gusto ko na ipakita na kaya kong maging versatile actress na kung anuman po ang ibigay nilang role, e, mabigyan ko po ng justice.

Inaaral ko po at kung may kailangan ako’ng tanungin, tinatanong ko po,” lahad niya. Naganap na nga ang isa sa mga inaabangang eksena ni Jane with her co-star sa serye na si Vina Morales who plays the role of her mother.

Kinu-consider ni Jane ang confrontation nila ni Vina na isa sa mga pinakamahirap na eksena niya. Naganap na this week ang “paghaharap”  nila ni Vina sa Nasaan ka…. Na-reveal na kasi ng younger sister ni Jane na nagtatrabaho siya sa kanyang father played by Christian Vasquez.

E, tutol pa naman si Vina na magkaroon sila ng ugnayan sa kanyang ama. Ang nakakalokah, nakita na ni Vina na masayang  kasama ni Jane si Christian.

Kaya hayun, kinumpronta ni Vina si Jane. Sa tindi ng galit ni Vina sa anak, pinalayas niya si Jane. Dahil dito, humingi ng tulong si Jane kay Christian at iniuwi siya sa mansion ng mga Briones, ang bagong pamilya ng kanyang ama.

Tutukan ang maiinit na confrontation scenes nina Vina, Christian, Denise Laurel at Jane sa mga susunod pang episode ng serye. Napapanood ang Nasaan Ka  Ng Kailangan Kita  after Flordeliza sa ABS–CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending