Promise ni Megan Young kay Mikael Daez: I gotchu!!
PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang naging mensahe ng Kapuso actress-beauty queen na si Megan Young para sa kanyang asawang si Mikael Daez.
Sa kanyang Instagram post ay ibinandera ito ang kanyang birthday greeting para sa asawa.
“Happy happy birthday to my Fofo, my forever, my Dada [emoji] and happy Jowaversary to us [emoji],” panimula ni Megan.
Pagpapatuloy pa niya, “14 years na since you asked me to be your girlfriend… on your birthday hahahaha and now we’ve almost been married for 5 years, are pawrents to Soba and Chia and we’re getting ready to be mom and dad to our baby boy.”
Baka Bet Mo: Megan Young buntis na sa panganay nila ni Mikael Daez
View this post on Instagram
Nagpasalamat rin si Megan sa pagmamahal at mahabang pasensya ng kabiyak sa kanya,
“Thank you for always taking care of me, for your patience and for always pushing me to do my best!!!
“I’ll be here to do the same for you!!! I gotchu!! I love you!!!” sey pa ni Megan.
Para sa mga hindi aware, kasalukuyang buntis ang Kapuso actress-beauty queen sa kanilang panganay ni Mikael.
Base sa naging gender reveal nina Megan at Mikael, lalaki ang magiging baby nila na ipapanganak ngayong taon.
Super excited naman ang mag-asawa sa panibagong chapter ng kanilang buhay dahil tatlo na silang magse-celebrate ng iba’t ibang okasyon sa mga susunod na taon kasama ang kanilang mga fur babies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.