Gwapong seminarista sa misa ni Pope Francis biglang sikat | Bandera

Gwapong seminarista sa misa ni Pope Francis biglang sikat

Ervin Santiago - January 18, 2015 - 03:00 AM

kenneth
NAG-TRENDING sa social media ang litrato ng gwapong binata na na-assign sa pagkanta ng responsorial psalm sa ginanap na misa sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Pope Francis noong Biyernes.

Naging instant internet sensation ang nasabing lalaki matapos mag-post ng sandamakmak na mensahe ang mga netizens na nakapanood sa nasabing misa ng Santo Papa.

Nu’ng una ay hindi pa mabanggit ng mga netizens kung sino ang nasabing binata, ngunit hindi nagtagal ay pinalanganan na rin nila ito – siya si Kenneth Rey Parsad.

Kasabay nito ay kumalat na rin ang ilan pang mga larawan ni Kenneth sa social media na galing pa raw sa The Benavides, ang official online publication ng University of Santo Tomas Central Seminary.

In fairness, tinalbugan ng binata ang ilang sikat na celebrities nu’ng oras na ‘yun dahil siya ang naging “man of the hour” pagkatapos ng misa ni Pope Francis sa Manila Cathedral.

Karamihan sa mga nabasa naming comments mula sa mga netizen ay mula sa mga babae’t bading. Kasabay ng pagpuri nila sa kagwapuhan at ganda ng boses ng seminarista ay ang paghingi nila ng sorry sa Diyos at kay Pope Francis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending