Throwback Thursday para sa mga manunulat ng Mariposa | Bandera

Throwback Thursday para sa mga manunulat ng Mariposa

Cristy Fermin - January 17, 2015 - 03:00 AM

cristy fermin
Huwebes nang gabi ay muli kaming nagkasama-sama ng aming mga kasamahang manunulat-kolumnista sa Mariposa Publications. Mahigit na isang dekada rin kaming halos araw-araw na magkakasama sa opisina ng mga babasahing Gossip, Rumors, Teenstars, Secrets, Scandals at Gossip Tabloid.

‘Yun ang maituturing naming gintong panahon ng aming propesyon bilang manunulat, isang magazine ang isinasara namin araw-araw, buong linggong may inilalabas na mga babasahin ang Mariposa Publications.

Du’n nabuo ang aming pagnananay ng aming mga manunulat, parang isang malaking pamilya ang aming publikasyon, du’n na halos kami nakatira dahil itinuturing na naming tahanan ang opisina ng Mariposa.

Throwback Thursday talaga ang nangyari, lalo na at kani-kanyang donasyon kami ng mga kuwentong naganap nu’ng kasagsagan ng aming mga babasahin, ang iba naming mga kasamahan ay nasa ibang bansa na pero nu’ng Huwebes nang gabi ay nagkasama-sama kami nina Ogie Diaz, Ronnie Carrasco, Richard Pinlac, Liza Endaya, Leo Bukas, Anna Pingol, Pilar Mateo, Mercy Lejarde, Divine Mesina, Morly Alinio, Monti Tirasol, Roel Villacorta, Ben Nollora, Joey Sarmiento at ang mga Guimba Girls na sina Boy Romero at Fernan de Guzman.

Puro halakhakan ang maririnig sa paligid, nagpapatung-patong ang mga boses dahil sa rami ng mga kuwentong hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng aming puso, sana nga ay maulit muli ang natatanging gabing ‘yun ng kaligayahan.

May ilan kaming kasamahan na hindi nakarating, meron ding mga namaalam na, mas naging masaya sana ang pagbabalik-tanaw namin sa mga ginintuang araw ng Mariposa kung kasama namin sila.

Meron mang kani-kanyang trabaho kinabukasan ay hinihila kami pabalik ng aming mga paa, bibihira kasing mangyari ang ganu’n, kaya patilaok na ang manok para sa bagong umaga ay parang ayaw pa rin naming maghiwa-hiwalay.
Haaaayyyy!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending