Ejay, Jake lalaban ng hubaran kina Ellen at Coleen

By Julie Bonifacio November 22,2014
share this

Ejay, Jake lalaban ng hubaran kina Ellen at Coleen

By Julie Bonifacio November 22,2014
share this

ejay falcon
GUMIGILING na ang kamera para sa bagong teleserye ni Ejay Falcon na Passion De Amor. Si Ejay din ang nagsabi na ang tatlong babae na kasama niya sa serye ay sina Arci Muñoz, Ellen Adarna at Coleen Garcia. Bida rin sa serye ang broken-hearted na si Jake Cuenca.

Nabanggit na namin before in our column na gagawa ng Pinoy version ang foreign drama series na ipinalabas noon sa ABS-CBN. At ayon sa aming source, sina Angelica Panganiban at Cristine Reyes ang napiling female lead stars.

Pero ngayon, parehong out na sina Angelica at Cristine. We all know now the reasons kung bakit nawala sa projects ang dalawang sexy stars kung tama ang source namin na kasama talaga sina Angelica at Cristine sa Passion.

May lumabas kasi na balitaang ‘di na type ni Angelica na tumanggap ng sexy role. Nagsawa na siguro siya na lagi na lang siyang “object of desire” ng mga kalalakihan sa role niya.

At wala naman sigurong kinalaman diyan ang boyfriend niya ngayon na si John Lloyd Cruz. Hindi naman siguro pinagbabawalan ni JLC si Angelica na magpaseksi on screen.

Habang si Cristine naman ay umamin na rin finally sa kanyang pagbubuntis courtesy ng kanyang martial arts expert boyfriend na si Ali Khatibi.

In fairness, parang mas “uminit” nga ang cast ng serye with Arci, Ellen and Coleen na sasabak sa unang pagkakataon sa paseksihan. Tapos nandiyan pa sina Jake at Ejay na palaban din sa hubaran.

At ngayon pa lang nili-link na si Ejay kay Ellen. Kaya lang we heard may boyfriend na si Ellen.Kung kailan naman parehong walang girlfriend sina Jake at Ejay, saka naman may mga sabit ang leading ladies nila sa show.

Anyway, tiyak na happy si Ejay sa kinalabasan ng paglabas niya sa Maalaala Mo Kaya last Saturday. Pinaluha at binigyang inspirasyon ng MMK ang viewers sa kwento ng katapatan, pag-asa at pagbangon ng isang preso sa Tacloban noong humagupit ang bagyong si Yolanda.

This Saturday, si Sunshine Cruz naman ang bibida sa episode ng programa ni Charo Santos. Gaganap si Sunshine bilang si Cynthia, ang mapagmahal na asawa at ina na laging inuuna ang kapakanan ng kanyang pamilya kaysa sa sarili niyang kaligayahan.

Nag-last taping day si Sunshine for her episode sa MMK sa Tagaytay last Tuesday. Happy si Sunshine na meron agad siyang follow-up guesting sa MMK.

“This is a…mas mild nga lang nu’ng last episode ko sa MMK. Hindi lahat ng scenes dito umiiyak ako unlike the one with Zaijian (Jaranilla). But definitely, kapupulutan din ng aral ‘to,” sabi ni Sunshine.

Bahagi rin ng upcoming episode sina Gardo Verzosa, Sue Ramirez, Janus Del Prado, Nikki Valdez, Kristel Fulgar, Isabel Lopez, Joshua Dionisio, Alexa Macanan, Nathaniel Britt, Kyline Alcantara, Margareth Nico, Jacob Dionisio, Jeffrey Hidalgo at Onse Tolentino sa direksyon ni Raz dela Torre.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Incidentally, nominated si Sunshine sa Star Awards for TV sa Best Single Performance By An Actress category for her performance sa “Karayom” episode ng MMK. Eto ‘yung sinasabi ni Sunshine na episode niya with Zaijian.

Mag-win kaya si Sunshine sa Star Awards for TV na gaganapin sa Solaire Hotel and Casino sa darating na Linggo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending