Tita Pusit ooperahan sa puso, humihingi ng tulong | Bandera

Tita Pusit ooperahan sa puso, humihingi ng tulong

Ervin Santiago |August 27,2014
facebook
share this

Tita Pusit ooperahan sa puso, humihingi ng tulong

Ervin Santiago - August 27, 2014 - 03:00 AM


Humingi ng tulong ang dating Kapamilya actress na si Paula Peralejo, nakababatang kapatid ni Rica Peralejo para sa komedyanteng si Tia Pusit.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, muling ipinost ni Paula ang naging mensahe ng aktres na si Beverly Salviejo para sa lahat ng mga kaibigan ni Tia Pusit na balitang may matinding karamdaman.

Ayon kay Paula, “Sa mga ayaw naman pong magdonate dahil walang ALS org sa Pilipinas (I don’t get this argument, foreign countries help us all the time whenever we have calamities, etc.

But anyway…), here’s one person you can help: TIA PUSIT. Sa mga napatawa niya at napaligaya, a little help goes a long way. I saw this on Ate Beverly’s feed about a week ago, ngayon ko lang na share. Please spread the word ?? Salamat!”

Narito naman ang mensaheng ipinost ni Beverly sa kanyang Twitter account: “Sa lahat ng mga may mabuting pusong ibig tumulong at magcontribute para sa operasyon ni TIA PUSIT, heto po ang contact number ng kanyang anak na si Christian 09328427295.

“Nawa po’y makalikom na sila ng sapat para matustusan ang operasyon. Malaki pong halaga ang kailangan. Sabi raw ng hospital, ang stent na ikakabit sa puso ay mga 400-500k na.

(Kung mayroong nakakaalam kung saan  makakabili ng stent para sa aortic aneurysm na mas mura, paki-share po ang info).
Sabi pa ni Beverly na kilalang malapit din kau Tia Pusit, “May gagastusin pa para sa doctor, gamot, hospital at dugo.

Kahit ano pong halaga ay malaking pasasalanat po. Sabi nga ni TIA PUSIT, kahit maliliit kung napakarami naman, makabuo rin ng halagang kailangan. Pagpalain nawa ng Maykapal ang lahat na daramay. Salamat po.”

( Photo credit to tiya pusit official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending