Aquino sisters 9 na beses nagrorosaryo sa isang araw para ‘wag matsugi si P-Noy
Siyam na beses daw nagrorosaryo at araw-araw daw nagpapamisa ang magkakapatid na Aquino para matiyak daw na ligtas sa kamatayan ang only brother nilang pangulo ng bansa na si P-Noy.
Marami tuloy ang natawa at nag-react sa ka-OA-yan ng magkakapatid na ito. Talagang bilang nila kung ilang beses silang nagrorosaryo at kailangan nilang i-announce iyon sa media. Nakakaloka, di ba?
Alam niyo, ang pagrorosaryo ay talagang mahalaga sa ating mga Katoliko. Pero hindi naman sinabi sa Bibliya na kailangang siyam na rosaryo ang gagawin natin araw-araw para makaligtas tayo sa kapahamakan.
Kahit isang beses lang kung galing talaga sa puso, kung sinsero tayo ay pakikinggan tayo ng Panginoon. Kahit praying silently lang ay pinakikinggan Niya. Ganoon iyon.
At kahit ano pang dasal natin kung hindi naman galing sa puso natin, kung pakitang-tao lang ay balewala iyon sa Diyos.
Nakakatawa talaga ang Aquino sisters na ito – may sarili talaga silang mundo.
Pati ba naman iyon ay pinangangalandakan pa nila. Pati pagdarasal nila ay kailangang ipaalam sa publiko para paniwalain tayong mababait sila. Para masabing maka-Diyos sila.
Para ipamukha sa ating hindi sila gahaman – na matino sila? Para masabing hindi sila mapagsamantala. Ganoon ba iyon?
Goshed! (Past tense iyan, ha! Ha-hahaha!) Nakakaloka talaga ang mag-anak na ito.
Mga echoserang frogs din, di ba? Pero kung makapag-demolish ng mga kalaban nila sa pulitika ay sobrang pailalim. Para kasi sa amin, ang ganitong style of destroying a kalaban is a sign of katrayduran.
Maganda yung harapan sana nilang sinasabing ayaw nila kina Binay, Poe at Estrada dahil malaking threat ito sa kanilang alyansa. Hindi yung pasimpleng binibira ang mga ito at paniwalain ang mga taong wala silang alam sa mga pangyayari. Mamatey?
Ngayon ay pinaalam nila sa ating lahat na relihiyoso sila – na dapat sila ang mahalin natin dahil hindi sila mga makasalanan. Talaga? Wow ha! Sweet naman nila, di ba?
Tapos may drama pa si Kris na kesyo pinagalitan siya ng kuya niyang pangulo dahil sa palagi niyang pagsasabing ipagdasal nating huwag mapaslang ang kuya niya tulad ng nangyari sa kaniyang mga magulang who both died in the month of August.
Ano ba naman iyang si Kris, napapraning? Dapat lang siyang pagalitan ng kuya niya dahil isang kalokohan ang pumapasok sa isip niya. Bakit? Does she feel guilty of anything kaya takot na takot siyang mamatay ang kuya niya sa buwang ito? Kasi nga, kung talagang naniniwala ka sa Diyos, hindi mo ito iisipin.
Kahit anong araw o buwan o taon Niya tayong gustong kunin, puwede. Kahit anong gawin nating pagtitiwarik diyan kung oras na natin ay oras na natin. Ganoon iyon, Kris. Para lang masabing you are a good sister to your brother? Hasus!
I rest my case. Next topic, please.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.