Carla, Tom magde-date sa Australia, manonood sa concert ni Katy Perry
MAGDYOWA na pala sina Carla Abellana and Tom Rodriguez. One website revealed Carla’s plan to spend a short vacation with Tom. It was alleged that Carla invited Tom to a trip to Sydney, Australia para manood daw ng concert ni Katy Perry sa Nov. 25. Naka-book ang dalawa from Nov. 24-28.
Maaga raw nagpa-book si Carla ng ticket kasama ang mommy niya, ang sister niya at isang Bartolome Alberto Mott. It turned out na real name pala ni Tom ang nasabing pangalan.
Actually, ang complete name ni Tom ay Bartolomé Tomas Alberto Rodriguez Mott. Mukhang na-develop sina Carla at Tom while doing projects together.
Hindi ba’t una silang nagkasama sa My Husband’s Lover where they played husband and wife, then sa isang Regal movie. And now, they’re working again sa isang teleserye sa GMA, ang My Destiny na magdyowa rin ang role nila.
During the shooting pa nga ng Regal film ay nag-drawing si Tom ng picture ng isang lalaki at isang babae na naghahalikan. Marami ang nag-react negatively sa drawing kasi nga kahawig na kahawig ni Carla ang babae sa picture.
Ang feeling ng marami ay parang binastos daw ni Tom si Carla. As it is, mukhang sweet na sweet si Carla kay Tom maging sa social media. She posted a very sweet message for Tom which read: “So do not worry for tomorrow for tomorrow will care for itself.”
Sa isang interview, kulang na lang daw ay aminin ni Tom na dyowa na niya si Carla. His eyes sparkled like a man madly in love. Ewan nga lang namin kung bakit hindi pa niya maamin na dyowa na niya si Carla.
How else can you explain ang nakatakdang pagsama niya kay Carla sa Australia sa November? Kung hindi sila magdyowa, bakit naman niya sasamahan ang dalaga sa panonood ng Katy Perry concert, at sa Australia pa, ha?
Anyway, masuwerte si Tom kung sila na nga ni Carla. Masinop kasi sa kanyang kinikita ang dalaga. Sa katunayan, nag-post ito ng picture ng kanyang ipinapatayong bahay sa isang sosyal na subdivision with this caption: “Meanwhile, something somewhere is taking shape. ?? #blessed.”
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.