Ildefonso naging top pick sa PBA dispersal draft | Bandera

Ildefonso naging top pick sa PBA dispersal draft

Melvin Sarangay - July 19, 2014 - 03:00 AM


SA ikalawang pagkakataon sa kanyang karera, si Danny Ildefonso ay napili bilang top pick sa Draft ngunit hindi na para sa mga bagitong manlalaro.

Ang dating two-time season Most Valuble Player sa San Miguel Beer ay naunang napili ng Blackwater Sports sa dispersal draft para sa dalawang bagong expansion teams ng Philippine Basketball Association (PBA) na isinagawa kahapon sa Microtel Inn sa Libis, Quezon City.

Si Ildefonso, ang first overall pick ng Shell sa 1998 Rookie Draft, na nasa takipsilim na ang paglalaro kaya binitiwan ng Meralco Bolts.

Subalit ang kanyang karanasan at mahusay na work ethic ay siguradong makakatulong ng malaki para sa Elite na papasok sa kanilang unang season sa liga kasama ang KIA Motors ngayong darating na Oktubre 19.

“He has the experience and the name,” sabi ni Blackwater team owner Dioceldo Sy patungkol sa pagpili sa 37-anyos na si Ildefonso, na pinursiging makuha ni dating San Miguel Beer coach Ron Jacobs sa pamamagitan ng trade.

Napili naman ng KIA si Reil Cervantes, na dating manlalaro ng Barangay Ginebra na nawala sa liga sa nakalipas na dalawang seasons, bilang second pick overall.

Sina Alex Nuyles, JR Cawaling, Eddie Laure, Bryan Faundo, JP Erram, Paul Artadi, Gilbert Bulawan, Bambam Gamalinda, Chris Timberlake, Norman Gonzales at Rob Celiz ang iba pang manlalaro na napili ng Blackwater Sports sa dispersal draft.

Napili naman ni KIA assistant Glenn Capacio sina Mike Burtscher, Hans Thiele, Alvin Padilla, Jai Reyes, Paul Sanga, Angie Raymundo, Eder Saldua, Nic Belasco, LA Revilla, Joshua Webb at Chad Alonzo bilang mga manlalaro ng koponan.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending