‘Karapatan ni Kris ang lumigaya sa kandungan ng lalaking type niya!’
NATAWA ako nu’ng isang araw – when I woke up bandang tanghali ay naisip kong magsulat agad ng column ko. First subject who came to mind was Kris Aquino.
I have to admit na madalas ko siyang mapitik sa columns ko for some reasons na na-realize ko’y wala naman talaga akong dapat pakialam. Ha-hahaha!
Not because naalala ko ang maganda naming pinagsamahan a long time ago when we were still together sa The Buzz, but merely because yung mga puntong ibi-nabato ko sa kaniya ay ikinukuwintas ko rin pala. Ha-hahaha!
I was trying to think of things para ikabuwisit ko sa kaniya that morning pero wala akong maisip. Like halimbawa, ang pagkahilig niyang ma-link sa iba’t ibang boys; and pagiging sobrang hilig niya sa publicity; ang paggamit sa posisyon nila sa pamahalaan para makakuha ng maraming trabaho and endorsements to make her own money as a showbiz celebrity, etcetera, etcetera.
Ayaw pumasok sa utak at puso ko that morning ang pagkairita or what – mas marami akong na-realize na good things more than hatred for her. Unang-una, yung pagka-link niya sa maraming boys.
Natawa ako dahil kung susumahin mas marami akong boys sa kaniya. Wala siya sa kalingkingan ko sa dami. Ha-hahaha! Kasi nga bading ako and I play around once in a while unlike her na puro lang “link” pero wala naman masyadong nagma-materialize.
Kung meron man, mabibilang sa mga daliri and in fairness, karapatan naman niyang lumigaya, di ba? Kung ako nga ay may karapatang magmahal at sumaya, siya rin, ‘no!
Pangalawa, yung sinasabing sinasamantala niya ang posisyon nila sa pamahalaan to get as many endorsements as she can and to demand for whatever shows na gusto niyang gawin ay natural lang naman siguro for whoever in the position.
Hindi naman siya nagnanakaw ng pera ng bayan – kung ako rin siguro ang nasa posisyon niya eh, baka mas malala pa ako. Ha-hahaha! Pero sabi ko nga, one thing I admire about her ay hindi siya nagpa-power trip sa amin kahit minsan.
Kasi kung ginamitan niya ito ng power, baka matagal na ka-ming natsugi sa ABS-CBN where she reigns supreme. Yung pagkahilig niya sa publicity ay hayaan na – trip niya iyon eh.
Ganoon talaga siya, she wants to always be on top dala na rin siguro sa thinking that she wants to maintain her kasikatan para bumenta ang napakarami niyang endorsements.
Ibigay niyo na sa kaniya. Kaya right after that, I immediately called Kuya Boy Abunda tungkol sa biglaang pagbabago ng pakiramdam ko about Kris, natawa siya sabay dialogue ng, “Iyan naman ang gusto ko sa iyo dahil alam mo kung kailan ka titigil at kung kailan feeling mo ay dapat mong isantabi ang pride mo.
Kumbaga, natauhan ka sa kapraningan mo and that’s so beautiful about your persona. Ha-haha!” I truly agree with Kuya Boy. I also admit na malala rin minsan ang kapraningan ko pero sinabi ko sa kaniya na hindi ko na hate si Kris, ayoko lang kay P-Noy.
Hindi ko lang gusto ang administrasyon niya. At nirespeto naman niya ang sinabi ko. Kaya huwag kayong magtaka kung hindi ko na masyadong mapitik si Tetay dahil wala naman siyang ginagawang masama na sa akin actually eh.
Kung anuman yung past differences namin ay matagal ko na namang nilimot kaya para que pa, di ba? Sa acting na lang siguro, babantayan ko kung nag-grow na siya as an actress. Natawa lang ako actually sa sarili ko. Baliw-baliwan, di ba?
( Photo credit to kris aquino official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.