PBB All In inulan ng batikos, housemates puro mayayaman daw
NAG-TRENDING topic ang #PBBScripted last Sunday and there seems to be a collective sentiment na scripted ang mga pangyayari sa latest reality TV show ng Dos.
Ang daming violent reactions sa social media, lahat halos ay hindi makapaniwala sa list ng bagong housemates.
“Anyare sa PBB? Echos lang pala ang audition sa Araneta. Hahahaha!”
“Dapat ang title ng show na yan ay The Return of Star Circle Quest HAHAHAHA #PBBALLIN #SorryNotSorry.” “Lakas ng backer hahaha mga sikat n nga ung iba”.
“True…wala nmn kc ung Pila Pila n yan totoo nian me nakuha n tlga cla …echos lng nila un.” “Yung kalahati ng housemates ay handpicked yung iba napili sa audition….yung totoo PBB ba ito o Star Circle Quest? Pati si Alex housemate!!! bias bias bias. mas maraming deserving na pumila kahit mainit ang araw…asan na amg proffesional reputation ng ABSCBN…tsk.tsk.tsk..kapamilya fan pa man din ako…sad:(.”
Ilan lamang ‘yan sa mga comments na nabasa namin. Meron ding nakapansin na lahat ng nakapasok ay pawang mayayaman, nagkaroon tuloy ng issue ng discrimination.
“Tama! Kaya nga po sinabing pbb all in. lahat pede ordinary, celebrity, tama din para maranasan niya kung anung buhay meron sa loob ng pbb house. ang problema nga lang puro may kaya, dapat ang sinali nila yung tipong kapos sila. pero may talento. mayayaman din kasi…parang may mali din….may kapos naman sa buhay na artistahin ahh,” say ng isang guy.
Well, there’s some semblance of truth.
Napansin lang namin, sa mga reality shows ay palaging may kaya ang mga nasasali, parang walang puwang ang mga mahihirap.
Anyway, natuwa naman ang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson when they appeared together on stage para sa pagbubukas ng PBB All In. Halatang na-miss sila ng kanilang supporters dahil napakalakas ng tilian nang makita silang magkasama nang live.
( Photo credit to kimchiufanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.