Walk-for-a-cause ng Iglesia tuluy na tuloy; klase suspendido
SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Maynila bunsod ng isasagawang walk-for-a-cause ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Sabado.
Ilan sa mga nag-anunsyo ng walang pasok ang University of Sto. Tomas, Far Eastern University-Manila, Colegio de San Juan de Letran, Philippine Women’s University-Taft, at University of the Philippines-Manila.
Inaasahan na magdudulot ng matinding trapik ang gagawing “world’s largest walk for a cause” ng INC para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending