Kc Montero inokray ang Sinulog Festival, STO. NIÑO binalasubas | Bandera

Kc Montero inokray ang Sinulog Festival, STO. NIÑO binalasubas

Alex Brosas - January 22, 2014 - 03:00 AM


KC Montero might find himself in a hot seat when he showed disrespect for the Sto. Niño. First time yatang um-attend ng Sinulog festival itong si KC at nag-post ng photo sa kanyang Instagram account with this caption: “My first time to be in Sinulog on a Sunday. Viva mo f—in Pit Senyor!#SinulogVibe.”

With that ay marami ang naimbiyerna sa tactlessness ni KC. Para naman kasi niyang binastos ang festivity sa kanyang mensahe.
Ayun, kinuyog tuloy ang TV host ng mga Sto. Niño devotees.

Talagang walang patumangga siyang nilait. “Gaspang talaga ng ugali nitong KC na ito. Akala mo kung sinong magaling…sa pagbabastos mo na yan, wala ka ng career!”

“He is an uneducated, ignorant and disrespectful slob.” “Walang respeto.Nagpapansin na nman para pag usapan. Pero wala talaga respeto! Makakarma din yan!”

“Kung hindi alam ang totoong kahulugan ng isang pista or religious celebration, huwag na sanang dumalo. Napaghahalataan tuloy yung iba na pang-BRAGGING RIGHTS lang or pang-INSTAGRAM.”

Those were just some of the messages of the irate people against KC. Nagpapakontrobersiyal ba itong si KC para siya pag-usapan o sadyang ganyan lang siya, walang respeto sa Sto. Niño?

Ang nakakaloka, naduwag si KC dahil binura niya ang kanyang mensahe. Naku, baka hindi na makakatuntong ng Cebu itong si KC. Baka may mag-file sa kanya ng petition para gawin siyang persona non-grata.

Kaya dapat, magbigay na ng public apology si KC regarding this para agad siyang mapatawad ng mga Sto. Niño devotees. Bukas din ang column namin for his explanation.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending