Kings dinurog ang Cavaliers, 124-80
SACRAMENTO, California — Umiskor si Isaiah Thomas ng 26 puntos para pangunahan ang Sacramento Kings sa ikatlong sunod na pagwawagi matapos tambakan ang Cleveland Cavaliers, 124-80, sa kanilang NBA game kahapon.
Gumawa ang Kings ng 16 diretsong puntos sa ikatlong yugto at lumamang ng 28 puntos papasok sa ikaapat na yugto. Ang three-game winning streak ng Sacramento ay kauna-unahan nito magmula noong Disyembre 2012.
Ang 45-puntos na bentahe ay ang pinakamalaking kalamangang naitala ngayong season ng Kings. Si C.J. Miles ay kumana ng 14 puntos habang si Luol Deng ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Cavaliers, na galing sa dalawang sunod na panalo.
Si Kyrie Irving, ang leading scorer ng Cavaliers, ay sumablay sa 11 of 14 shots at 3 of 4 free throws para magtapos na may pitong puntos.
Grizzlies 108, Hawks 101
Sa Memphis, Tennessee, gumawa si Mike Conley ng 21 puntos at 13 assists habang si Zach Randolph ay nag-ambag ng 18 puntos at 12 rebounds para pamunuan ang Memphis Grizzlies sa panalo laban sa Atlanta Hawks.
Si Paul Millsap ay umiskor ng 21 puntos para pangunahan ang Hawks, na galing sa dalawang diretsong panalo. Ito naman ang ikatlong pagkatalo ng Hawks sa Grizzlies sa nakalipas na 15 laro.
Kumalas ang Memphis sa ikaapat na yugto sa pangunguna ni Conley na gumawa ng walong puntos sa huling quarter kabilang ang dalawang free throws na nagbigay sa Grizzlies ng 102-92 kalamangan may 2:46 ang nalalabi sa laro.
Si Mike Miller ay may walong puntos din sa huling yugto kabilang ang dalawang 3-pointers para magtapos na may 15 puntos para sa Grizzlies.
Spurs 104,Timberwolves 86
Sa San Antonio, kinamada ni Kawhi Leonard ang 13 sa kanyang 17 puntos sa second half para tulungan ang San Antonio na talunin ang Minnesota at iuwi ang ikaapat na sunod na panalo.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.