Bong handa nang magsalita, may pasasabugin sa Jan. 20 sa Senado | Bandera

Bong handa nang magsalita, may pasasabugin sa Jan. 20 sa Senado

Jobert Sucaldito - January 12, 2014 - 03:00 AM

QUITE memorable para sa akin ang pagdalo sa dalawang events last Friday. During lunch, I was late sa presscon na ipinatawag ni Nanay Lolit Solis para sa mahal nating senador na si Bong Revilla, Jr. sa Anabel’s Resto.

Dami ko pa kasing tinapos na work sa bahay. Ang mahalagang balitang nasagap ko ay magsasalita na finally si Sen. Bong sa pagbubukas ng session sa Senate this coming Jan. 20, at 3 p.m. via a privilege speech sa nasuungan nitong kontrobersiya especially sa Janet Napoles scam na pumutok last year.

Tell all ang gagawin nni Sen. Bong – talagang sasagutin niya ang lahat ng ipinupukol sa kanya. Kumbaga, many have spoken – Sens. Jinggoy Estrada and Juan Ponce Enrile have both aired part of their stories while Sen. Bong has kept mum on the issue – but not deliberate ang pagka-delay ng kanyang pagsasalita, nakiusap daw kasi ang kaibigan niyang si Sen. Jinggoy na mauna na itong mag-privilege speech bago siya.

Pinagbigyan naman niya ito, thus, giving him more time to think kung paano sasagutin ang mga akusasyon sa kanya.
“Mabuti na yung masabi na rin niya ang lahat-lahat ng nasa puso niya para magkaroon naman ng chance ang publiko na ma-weigh ang mga bagay-bagay para maunawaan nila ang tunay na scenario. Sen. Bong will confront the issue, he will say his piece. Masyado na kasi silang tried by publicity.

“Hindi porke nanahimik siya for quite sometime, ibig sabihin guilty na siya of all the charges hurled against him. Pakinggan niyo this time ang sasabihin ni Sen. Bong, please take time out para marinig ang boses ng magiting nating senador,” anang isa niyang confidante na nakatsika namin right after the presscon.

Tama! I guess it’s fine time for the public to hear what Sen. Bong has to say. Hindi ko nga lang inabot ang eksenang napaluha raw si Sen. Bong sa isang bahagi ng question and answer portion ng presscon. Sayang.

Pero gayunpaman, ako mismo ay interested na marinig ang privilege speech na ito ni Sen. Bong. Sana ay hindi na naman ito madiskaril dahil alam niyo naman minsan sa Senado, pag walang quorum ay nari-reset ang mga pagdinig nila. Pero this time ay mukhang tuloy na tuloy na ito.

Right after ng presscon, nang ilipat ko ang kape ko sa table na kinauupuan ng mga kaibigan naming sina Jun Nardo, Ian Farinas and Joe Barrameda sa labas ng venue, I saw my long time kagalit na writer na si Allan Diones seated on his back.

Bago ako umupo, since sobrang tagal na nu’ng misunderstanding namin ni Allan at para sa akin ay wala na rin iyon, ako na mismo ang bumati sa kaniya.

I said hello to him and he reciprocated naman. In short, bati na kami. Nakita ko ang matamis na ngiti nina Ian, Jun and Joe and the rest of the gang dahil bati na kami ni Allan Diones.

Wala na sa akin iyon, nawala na yung galit sa dibdib ko and I want my 2014 cleaner and lighter. Enough of the extra luggage in our hearts, di ba? Naglilinis ako ng baggage ko, I want to get rid of bad people around me – I want a better life.

Kaya nga binura ko na ang friendship ko with former friend Lito Alejandria dahil ayokong mag-keep ng mga traydor sa list ko. I felt better after that.

Anyway, right after naman ng “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM at 11 p.m., sinundo ko na ang anak-anakan kong singer na si Michael Pangilinan dahil hahabol kami sa grand opening ng The Library sa Metrowalk para sa guesting ni bagets. Suporta lang kumbaga kay Mamu Andrew de Real.

Tsaka may usapan na kami ni kafatid na Arnel Ignacio na doon na lang magtsikahan. Habang nagkukuwentuhan kami nina Arnelli, Pilar Mateo and Julie Bonifacio sa labas ng library over coffee, nakita ko si John “Sweet” Lapus na lumabas ng venue para magtsikahan with Phillip Lazaro and some of their friends.

Tulad ng kay Allan Diones, wala na rin sa akin yung pagkabuwisit kay Sweet na nakademandahan ko the past three years. Tamang-tama naman at dismissed na ang kaso naming dalawa kaya I don’t see malice if I say hello na rin to him.

Kumbaga, trip ko nang makipagbati – not for anything else, tutal wala na naman kaming kaso kaya wala naman sigurong masama kung mag-hello na rin ako sa kaniya, di ba?

Sinamahan ako nina Arnelli, Pilar and Julie sa paglapit kay Sweet para makipagkamay and presto! Nagkaayos na rin kami ni John. Yes, ako ang nag-initiate ng pagbabati dahil ako ang lumapit and I’m proud of myself to have the courage na makipagbati, hindi naman siguro krimen iyon, di ba? It’s not kaduwagan I know na makipagbati.

I guess I’m even more courageous. Hindi panghihingi ng sorry iyon as other people may think, it’s pakikipagbati. Kebs ko naman kung iyon ang nasa isip ng iba, basta ang mahalaga sa akin ay masaya ako at nabati ko na ang mga nakagalit ko the past years. Ang mahalaga ay marami akong napasaya sa gestures ko that day and night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakatawa, di ba? Two in a row ang pakikipagbati ko. Sa mga umaasang makikipagbati ako kay Lito Alejandria, not this soon. Baka matagalan pa ito, iba kasi ang isyu namin eh. He betrayed me, he lost my trust.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending