Ken Chan may matinding pinagdaraanan sa personal life?

Ken Chan may matinding pinagdaraanan sa personal life, nagtatago ba?

Reggee Bonoan - September 09, 2024 - 09:35 AM

Ken Chan may matinding pinagdaraanan sa personal life?

Ken Chan

NAGTATAGO nga ba ang aktor na si Ken Chan? Isa ito sa napag-usapan sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs na napapanood sa YouTube.

Kaya raw nawawala ngayon ang GMA artist ay dahil may isyu umano mula sa kasosyo nito sa negosyo.

Nabanggit ni Ogie na blind item ito ng Pep.ph at base raw sa hula ng netizens ay si Ken Chan ito na nawala na sa kanyang weekly show sa Kapuso network.

Baka Bet Mo: Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Bungad ni Ogie, “Siyempre ang hula ng mga tao ay si Ken Chan daw ba ‘yun?”

Nagulat si Mama Loi, “Anong tsika?”

“Ito na nga, kasi dati may nagdemanda kay Ken Chan parang kasosyo sa negosyo, parang hindi sila nagkapaliwanagan at hindi malinaw ang kanilang usapan kasi ‘yung negosyo na itinayong restaurant ni Ken Chan ay may kasosyo siya ro’n.


“E, tapos hindi naman tumabo sa takilya ika nga, hindi naging successful tapos parang nagkaroon yata ng ‘isoli mo sa akin ‘yung puhunan ko (sabi ng kasosyo).’

“Tapos siyempre merong (sinabi si Ken Chan), ‘o nagnegosyo tayo, anong isosoli ko kung nalugi tayo pareho?’ Pero hindi naman namin alam kung iyon nga ‘yun ha?

“Kasi ‘yun din naman ang nakarating din sa amin (mula sa source) tungkol sa restaurant, so may kinalaman talaga ito sa negosyo na meron siyang investor-partner doon,” kuwento ni Ogie.

Sa pagkakaalam din namin ay halos magkakasunod ang pagbukas ng mga restaurant ni Ken Chan na matatagpuan sa Timog Avenue, Quezon City, Greenhills at Balanga, Bataan earlier this year na aabot sa 7 branches.

Baka Bet Mo: Ken sa bagong adbokaserye: Ipakikita namin ang tunay na pinagdaraanan ng taong may DID

Marami ngang bumilib sa Kapuso actor dahil sunud-sunod ang pagbubukas nito ng restaurants na pawang nasa prime locations kaya’t maraming nagsabi na mahusay humawak ng kinikita niya ang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Going back to Ogie, nakarating lang daw sa kanya ang lahat ng ini-report niya sa “Showbiz Update”, “Nakarating sa atin na kaso pa rin ‘yun hanggang ngayon pero parang ang babaw naman ‘yun na huhulihin si Ken Chan?

“Kung kaso ‘yun, e, di harapin niya. May kulong ba ‘yun na nag-invest (at) nalugi (or) otherwise may iba pa silang usapan or may iba pa silang investment na hindi nag-materialize,” tsika pa ng online host.

Tinatawagan naman daw ni Ogie si Ken Chan pero hindi pa sila nagkakausap.

May tsikang umalis daw ng bansa si Ken Chan pero base sa pahayag ni Ogie, “Since hindi pa naman confirmed kung tumulak pa-ibang bansa para magtago (ay) baka naman nagbakasyon lang talaga ‘yung bata.

“At hindi naman niya tinatakasan ang anumang kaso at heto nga mayroon siyang pinanawagan na may nanloloko at gumagamit ng pangalan niya at ang nagme-message raw sa mga kaibigan at kaanak niya ay nagngangalang Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

“Hindi po magagawa ni Boss Vic ang manghingi (ng) pera dyusko, sampalin kayo ng pera ni Boss Vic,” diin ni Ogie.

Natawa si Mama Loi, “Nakakaloka, si Boss Vic pa talaga ang ginamit?”

“Anyway, hintayin natin si Ken Chan, baka naman ‘yung nagdemanda kay Ken Chan ay sumagot din (at) magbigay din ng pahayag pero ako naniniwala pag nandoon na sa husgado hindi na dapat kinakalkal ‘yan, eh,” pahayag ng “Showbiz Update” host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas din ang BANDERA para sa panig ni Ken Chan o ng kahit sino sa kanyang kampo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending