Bahay ng pamilyang Yulo sa Cavite ‘for sale’, pinabebenta na ni Angelica?
BINEBENTA na ng pamilyang Yulo ang bahay na nasa Cavite, ayon sa Facebook post ng kanilang kamag-anak.
Ibinandera pa nga riyan ang ilang mga litrato na kumpleto sa gamit ang bahay –may furniture, refrigerator, kitchen wares, at marami pang iba.
Nakasabit din doon ang ilang larawan ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, pati na rin ang mga natanggap niyang medalya sa mga naunang international competitions.
Sey sa caption, “House For Sale. Just pm Angelica Poquiz Yulo to those interested.”
Makikita rin sa picture na ang bahay ay nasa loob ng subdivision sa Anabu, Imus.
Bukod sa ina ni Carlos na si Angelica, naka-tag din sa post ang ama ng atleta na si Mark Andrew.
Baka Bet Mo: Angelica Yulo isinumpa raw si Carlos na gagapang sa lupa, sey ni Chloe
Kung hindi kami nagkakamali, ang nasabing bahay ang isa sa mga dahilan kaya nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng two-time Olympic champion at si Angelica.
Mga mga nabasa rin kaming mga ulat na ang ipinambili sa bahay sa Cavite ay ‘yung mga napanalunan ni Carlos sa kanyang kompetisyon sa gymnastics.
Ito ay inamin din naman noon ni Angelica sa isang panayam: “In-invest namin sa bahay para makita din niya at pwede mong masabi na ‘ay may remembrance ako sa pera ko,’ kasi ‘yan ang sinasabi ko sa mga anak ko everytime na magkakaroon sila ng cash incentive, malaki o maliit, sinasabihan ko sila na bumili kayo ‘yung meron maalala niyo na ‘Ah galing ito sa palarong pambansa, ay galing ito sa cash incentives’.”
Ayon sa mga chika, naisipang ibenta ng pamilyang Yulo ang bahay sa Cavite dahil hindi na rin nila ito naaasikaso, bilang naninirahan naman sila sa Leveriza sa Maynila.
Mukhang hindi na rin naman ito kailangan ni Carlos dahil mayroon na rin siyang sariling condominium na nagkakahalaga ng P32 million, at bukod pa riyan ang ibinigay na house and lot sa Batangas at ‘yung natanggap niyang rest house sa Tagaytay.
Ang lahat ng ‘yan ay nakuha niya matapos magbigay ng karangalan sa Pilipinas nang manalo ng dalawang gold medal sa Paris Olympics 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.