Karla nanggigil umano, hindi na ‘for sale’ ang bahay

Karla nanggigil umano, hindi na ‘for sale’ ang bahay: ‘Ayan na ang latest!’

Pauline del Rosario - June 28, 2024 - 11:06 AM

Karla nanggigil umano, hindi na ‘for sale’ ang bahay: ‘Ayan na ang latest!’

PHOTO: Facebook/Karla Estrada

HINDI na binebenta ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kanyang two-story family house sa Quezon City.

Ito ay matapos siyang maglabas ng sama ng loob sa naging report ng digital magazine na Preview.

Ayon kay Karla, dapat tigilan na ang pagpo-post ng mga litrato ng kanyang bahay kasama ang kanyang family picture.

“Pasensya na at tatapusin na natin ang tungkol sa bahay ko at tigilan na ang pag-post ng bahay ko kasama ang mga anak ko pati narin ang 80yrs old na nanay ko…baket? Para saan at kasama ang family picture namin??” caption niya, kalakip ang screenshot ng nasabing ulat.

Dagdag ng batikang aktres, “Nakakatuwa naman ang Preview.ph at may panahon pa na ma-post ang bahay ko na for sale since 3 [years] ago. At hindi lang bahay ko ang may picture pati kami ng nga mga anak ko ha.”

Baka Bet Mo: Karla kay Daniel: Kailangan mong magkamali para may matutunan ka

“Tanong ko lang, ano po ang koneksyon ng picture naming mag-iina sa bahay na for sale, may pangalan ko naman na buo pa nakasulat na may ari ng bahay,” aniya pa.

Kasunod niya, pinabulaanan ni Karla ang chikang may financial problem siya kaya niya binebenta ang kanyang bahay.

“Ano ba ang dapat talaga pag nagbenta ang isang tao ng ari-arian niya. Ipaliwanag ang dahilan ng pag-bebenta? Kasama ba sa requirements ng mga broker ang sabihin ang dahilan pag nagpapabenta ng properties namin? Kailangan naghihirap na sa buhay agad kaya nagbebenta ng ari-arian? Medyo malayo ata sa katotohanan ‘yun. Kase masisipag kami sa buhay,” paglilinaw ng celebrity mom.

Patuloy niya, “Dami n’yong oras magbigay ng komento sa buhay ng iba na walang kayong alam ha. Pero check niyo muna baka may mga kapamilya kayo dyan na kumakalam ang sikmura, unahin niyo ‘yun.”

At dahil nga riyan, iginiit niya na hindi na for sale ang kanyang family house.

“My house is not for sale anymore,” sambit ni Karla sa FB.

Mensahe niya, “Kaya sa mga panay post diyan hanggang ngayon, na mistulang pa broker na kayo, ayan na ang latest. Para updated naman ang posts ninyo.”

“Kung ayaw niyo sa amin ‘Wag niyo kami pag aksayahan ng panahon,” ani pa ng TV host-actress.

Kung matatandaan, nitong nagdaang Mayo nang kumpirmahin ni Karla ang tungkol sa kanyang bahay nang ma-interview siya ng batikang journalist na si Bernadette Sembrano.

“Two years nang for sale ito, pero hindi lang namin push na push,” kwento ng aktres.

Paliwanag niya, “Kapag may gusto lang, tsaka namimili ako eh kung sino ang pwede dahil siyempre, ako talaga nagagandahan sa bahay ko na ito, pero masyado nang malaki para sa akin mag-isa.”

Inilahad din ng celebrity mom ang ilan sa mga rason kung bakit niya ito binebenta, bukod pa sa dahilan na mag-isa nalang siya sa bahay.

“Gusto kong mag-south ngayon kasi nandoon ang mga friends ko and then para sa akin, kung mag-umpisa man ako ng kung ano man ang uumpisahan natin sa Region 8 eh malapit na ‘yung south, malapit na sa airport,” sey niya.

Ani pa niya, “See, lahat may dahilan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita noong Enero nang i-chika ng showbiz insider na si Ogie Diaz na nakita niya ang isang Instagram post na ibinebenta ang 500 sqm. na bahay ni Karla na nagkakahalagang P50 million.

Mayroon, aniya, itong limang bedrooms, hanggang anim na car garage, at marami pang amenities.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending