Farm ni Cesar sa Zambales 'for sale' na, magpo-produce ng movie

Farm ni Cesar sa Zambales ‘for sale’ na, type mag-produce ng pelikula

Reggee Bonoan - April 30, 2024 - 05:53 PM

Farm ni Cesar sa Zambales 'for sale' na, type mag-produce ng pelikula

Cesar Montano

MUKHANG hindi na type ni Cesar Montano ang manirahan sa probinsya dahil ibinebenta na niya ang kanyang farm sa Iba, Zambales.

Ang nasabing farm ng aktor ay nabili niya noong nagsasama pa sila ng ex-wife na si Sunshine Cruz at bukod sa Zambales ay nakabili rin siya sa Bulacan at Bohol.

Napag-alamam namin na ang farm na for sale ay 21 hectares at ang selling price ay P700 per sqm. at negotiable pa.  Ang market value as of 2023 ay nasa P1,000 per sqm. zonal value.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa pagbagsak ng sales ng online shopping app: Puro ang turo ng daliri kay Toni

Kaya ang suwerte ng makakabili nito dahil may mga puno na tulad ng manga, gmelina, pine, narra at mahogany at may matatagpuan pang creek within the property at highland pa ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


May sitsit naman sa amin na kaya binebenta na ng aktor ang farm lot niya sa Zambales ay dahil plano nitong mag-produce ng pelikula at ang iba ay gusto na niyang ibigay (share) sa mga anak.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson tuloy-tuloy ang ‘role’ bilang sundalo; pinasaya ang Aeta community sa Zambales

Wala naman daw balak pakawalan ni Cesar ang farm niya sa Bulacan kung saan siya nagpupunta madalas dahil malamig at malapit lang sa Metro Manila.

Anyway, ngayong for sale na ito ay posibleng ang makabili ay ang kapwa artista ni Cesar na gusto pang magdagdag ng kanilang pag-aaring farm.

Tulad na lang ng mga aktres na sina Isabel Rivas at Bea Alonzo na nasa kaparehong barangay road sa pag-aaring farm ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending