Diego: Hindi ko na pipilitin maging isang Cesar Montano

Diego: Hindi ko na pipilitin ang sarili ko na maging isang Cesar Montano

Ervin Santiago |February 27,2024
facebook
share this

Diego: Hindi ko na pipilitin ang sarili ko na maging isang Cesar Montano

Ervin Santiago - February 27, 2024 - 06:30 AM

 

Diego: Hindi ko na pipilitin ang sarili ko na maging isang Cesar Montano

Cesar Montano at Diego Loyzaga

HINDI nahihiyang aminin ni Diego Loyzaga sa publiko ang katotohanang talagang kinarir niya ang maging katulad ng kanyang amang si Cesar Montano.

Naging emosyonal ang aktor nang muling mapag-usapan ang relasyon niya kay Cesar lalo na noong kanyang lumalaki na siya at nagkakaroon na ng sariling pag-iisip.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk” sa GMA 7, kinumusta siya ni Tito Boy Abunda kung anong feeling ng pagiging anak ng isang sikat na aktors sa Philippine showbiz.

“Gaano kahirap ‘yung anak ka ni Cesar? Alam mo ‘yun? You take on a role, expectations are high. How do you survive that?” ang diretsong tanong ni Tito Boy kay Diego.

Tugon ng binatang ama, “I think, Tito Boy, for the earlier part of my career, I was really trying to you know? Fill those shoes.”

Baka Bet Mo: Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

“I was trying talaga to be more like him. Then, I think, recently, parang kumalas na rin ako e. I’m just trying to be Diego.

“I know, they’re very large shoes to fill, kaya hindi ko na pipilitin ang sarili ko na maging isang Cesar Montano. Gusto ko na lang maging isang Diego Loyzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Of course, I wanna achieve ‘yung mga na-achieve niya sa career niya, but one day at a time,” pag-amin pa ng aktor.

Sunod na tanong ng premyadong TV host, “Sinasabihan ka ba niya ng ‘Good job’ or wala talaga or sinasabihan ka niya ng, ‘I like the way you attack that.’ May mga pagkakataon na ganu’n?”

Sa totoo lang daw, hindi niya napigilan ang maiyak nang purihin siya ni Cesar sa isa nilang confrontation scene sa pelikulang pinagsamahan nila noong 2022, ang “Maid In Malacañang”.

Aniya, “Ang una namin kasing naging proyekto na magkasama kami, ‘yung scene namin talaga is magkaaway, parang in a way medyo magkaaway, nagsusumbatan kami.

Baka Bet Mo: Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips

“So, I treated it as if I were just talking to my dad, and that was the first time na sinabihan niya ako na, ‘I like that.’ Hindi ako iyakin na tao, pero naiyak ako du’n.”

Dugtong pa ng aktor, “Everyone knows naman my story, for the people who don’t, I didn’t grow up naman with my dad. Not blaming him, not throwing shade on my father.

“It’s just that those are the circumstances, and to get affirmation from your dad, ang sarap sa pakiramdam,” aniya pa.

Okay naman daw ang relasyon nilang mag-ama and in fact, palagi raw silang nag-uusap ngayon tungkol sa anak niyang si Baby Hailey.

“And now the fact na lagi na kami magkausap, about the smallest things. He’s so in love with my baby girl, with my baby,” sey ni Diego.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, muling bibida si Diego sa pelikulang “A Glimpse of Forever” under Viva Films with Jasmine Curtis and Jerome Ponce.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending