Ogie Diaz sa pagbagsak ng sales ng online shopping app: Puro ang turo ng daliri kay Toni | Bandera

Ogie Diaz sa pagbagsak ng sales ng online shopping app: Puro ang turo ng daliri kay Toni

Therese Arceo - October 21, 2022 - 02:23 PM

Ogie Diaz sa pagbagsak ng sales ng online shopping app: Puro ang turo ng daliri kay Toni

MULI na namang natalakay sa YouTube channel ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang latest ganap patungkol sa singer-actress na si Toni Gonzaga.

Ito ay may kaugnayan sa isa sa mga kontrobersyal na endorsement ng aktres sa isang online shopping app.

Ayon sa usapan nila Ogie, marami raw sa mga sellers o merchants ang labis na nakadarama ng mababang sales o kita buhat nang ianunsyo si Toni bilang kanilang bagong brand ambassador.

Chikahan pa nila, ramdam na ramdam daw ito ng mga sellers sa nagdaang 10.10 sale na madalas abangan ng madlang pipol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

“Humina daw yung Shopee. Andami daw mga sellers na nagra-rant ngayon. Four years na raw silang nasa Shopee pero ngayon lang nila na-experience ang ganitong klase ng bentahan lalo n’ong 10.10 sale,” sey ni Mama Loi.

At base sa mga ito, may kinalaman nga raw si Toni sa nangyayari dahil sa pag-endorso nito sa online shopping app.

Saad ni Ogie, “Actually Loi ‘noh, nakaapekto ng malaki ‘yung pag-e-endorse ni Toni… Prangkahan na ito. Sa lahat ng nababasa natin, sa dami ng nababasa natin, puro ang turo ng dalari ay kay Toni.”

Ngunit lahad naman ng talent manager, hindi naman kasalanan ng aktres ang nangyayari dahil lang sa siya ang napiling endorser ng online shopping app.

Depensa ni Ogie, “Samantalang si Toni Gonzaga, wala namang kasalanan diyan. Kung siya ang kinuhang endorser.

“Kung i-aanalyze mo, ‘yung mga tao ngayon, yung mga online shoppers, sensitive na sila medyo conscious na sila sa kung sinoman ang nag-e-endorse ng platform na kanilang tatangkilikin.”

Matatandaang marami ang nagdesisyong i-boycott ang naturang shopping app matapos nitong piliing endorser si Toni.

Giit ng netizens, hindi nila susuportahan ang isang kompanya o brand na iniendorso ng isang “traydor” at “enabler”.

Ito ay dahil sa naging desisyon ni Toni na magpakita ng suporta para ikampanya ang kanilang ninong sa kasal na si Pangulong Bongbong Marcos sa nagdaang eleksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Toni Gonzaga ‘unbothered’ kahit inaayawan ng netizens: They are the reasons why we are here today

#TrueBa: Andrew E bagong endorser ng isang online shopping app?

Aiko dumepensa sa pagkuha ng online shopping app kay Toni: Mali naman ang atakihin n’yo ang kinuha nilang endorser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending