Bea Alonzo relate much sa mga problema ng mga farmer sa Pinas: ‘Alam ko po ang mga challenges na pinagdaraanan nila’
PERFECT para sa amin ang pagkakapili kay Bea Alonzo bilang CAF (Census of Agriculture and Fisheries) official endorser.
Kasi naman, bagay na bagay kay Bea ang kanyang bagong endorsement bilang may-ari siya ng isang farm sa Zambales.
Nabili ni Bea ang ilang ektartang farm noong 2011 at ginawa niya itong recreation house for her and her family. Nagtanim siya ng maraming fruit-bearing trees, mga gulay at mayroon din siyang mga hayop na inaalagaan.
In short, naging farmer siya kaya alam na alam niya ang mga problemang kinakaharap ng farmers na katulad niya.
“We want to achieve ‘yung mileage, information, education campaign dito sa ating census.
“As you know, we are not really, when we go to each of the houses during census time, not all respondents are so welcoming. With Bea here, she will help us,” say ni Deputy National Statistician Minerva Eloisa Esquivias of the Philippine Statistics Authority.
View this post on Instagram
“Alam ko po mga challenges ng farming,” sabi naman ni Bea.
Baka Bet Mo: Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami
“Masamang panahon, bagyo po talaga, minsan bigla na lang may babagsak na mga puno, minsan po mataas ang presyo ng binhi. So, ’yun po ang challenges sa pagiging farmer,” dagdag pa niya.
Sisimulan na ng Philippine Statistics Authority ngayong Lunes, September 4, ang pag-conduct ng census on agriculture and fisheries para makakoletka ng information mula sa mga households, operators and barangays na may kinalaman sa mga sector na nasasakupan.
Sa census na ito ng Agriculture and Fisheries ay maiintindihan ng government office ang mga challenges na kinakaharap ng fisheries and farming sector lalo na ngayon na maraming natural disasters ang nagaganap sa bansa.
Kasama sa layunin ng PSA ang mag-collect ng data sa sector ng agrikultura at pangingisda para sa pag-form ng policies at decisions upang ma-improve ang mga sector na ito.
Expect Bea to have talks with those in the agricultural and fishery business to create awareness sa programa ng gobyerno na mag-reach out sa kanila upang makatulong sa kanilang mga problema.
Kaya bang tumira ni Bea sa farm kapag wala na siya sa showbiz?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.