Liza, James tuluyang nasira ang 'relasyon', JaDine magbabalik?

Liza, James tuluyan nang nasira ang ‘relasyon’, JaDine magbabalik?

Reggee Bonoan - September 10, 2024 - 09:34 AM

Liza, James tuluyan nang nasira ang 'relasyon', JaDine magbabalik?

Liza Soberano, Nadine Lustre at James Reid

HINDI na nga ba in good terms sina James Reid at Liza Soberano? Tuluyan na nga bang nasira ang pagkakaibigan ng dalawa?

Matatandaang lumipat ng Careless management si Liza na pag-aari ni James at ng sinasabing kasosyo nitong si Jeffrey Oh, nang umalis siya sa poder ng dating manager na si Ogie Diaz.

Ito ang report ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na napapanood sa YouTube.

“Ang balita nga ay parang hindi na magkaibigan itong sina James Reid at Liza Soberano dahil sa pag-unfollow ni Liza sa Careless.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel

“Ibig sabihin lang ay ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon sa Careless na pag-aari ni James Reid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


“At ang balita natin ay si Liza ay nandoon at naniniwala kay Jeffrey Oh na ngayon yata ay nasa US of A,” kuwento ni Ogie.

Tanong ni Mama Loi, “So, hindi na mag-partner (sa business) itong si Jeffrey Oh at si James Reid?”

“Iyon ang nakarating din sa atin,” say ni Ogie.

Matatandaang ang pakilala ni James Reid noon kay Jeffrey Oh ay CEO ng Careless Management at siya naman ang presidente.

Sa sinasabing hindi na partners sina Jeffrey at James sa Careless, may kinalaman kaya ito nu’ng arestuhin ang una ng mga tauhan ng Bureau of Immigration noong July, 2023 dahil wala itong work permit o walang dokumento para makapag-operate ng negosyo sa Pilipinas?

Baka Bet Mo: James Reid pinabulaanan na may kinalaman ang ama sa pagkakaaresto kay Jeffrey Oh, tiniyak na ‘business as usual’ ang ‘Careless’

Isang linggong nakulong si Jeffrey Oh sa Bureau of Immigration facility sa Bicutan, Taguig hanggang sa nakalaya matapos magbayad ng piyansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)


Going back to Liza, binanggit naman ni Tita Jegs na kaya mas kumampi ang aktres kay Jeffrey Oh ay sa dahilang magdyowa sila.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA noong July 6, 2023 na nagkakamabutihan umano sina Liza at Jeffrey na ayon sa aming source ay siya ring dahilan kaya nakipaghiwalay ang aktres sa boyfriend niyang si Enrique Gil.

Natatawa naman si Ogie sa hirit ni Tita Jegs habang inaasar siya ni Mama Loi ng, “Oh, Oh?”

“Hindi ko alam, kasi ‘yan din ang balita ko. E, kasi wala namang problema kung pareho naman silang single,” sagot ni Ogie.

Balik-tanong ni Mama Loi, “E, paano na ang LizQuen fans?”

Sabi agad ni Tita Jegs, “Hayun, Mama Loi asa pa rin sila!”

“Aba’y hindi sila dapat mawalan ng pag-asa,” sabi ni Ogie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine)


Dagdag pa, “Puwedeng mabago ‘yung takbo ng isip ni Liza at bumalik siya rito at maging magkapareha (loveteam) ulit sila ni Enrique. Dahil feeling ko ay naghihintay din naman si Enrique kay Liza dahil grabe ang lalim ng pagmamahal ni Enrique kay Liza.

“Kaya nga ibinalita rin natin na wala na rin sila (LizQuen) kaya nga ako binash nang binash ng LizQuen fans dahil bakit ko raw pinangungunahan ‘yung dalawa, e, kasi wala na sila! Kaya kung sina Liza at Jeffrey ay sino naman tayo para humusga!”

Hirit ni Tita jegs, “Ang galing, naitawid mo rin (balita tungkol kina Jeffrey at Liza).”

Ikinuwento rin ni Ogie na magbabalik na si James sa kanyang acting career soon at baka itambal siya kay Nadine Lustre dahil marami pa rin silang followers kahit hiwalay na.

Sang-ayon naman si Mama Loi “Oo, malay mo tangkilikin pa rin sila ng fans nila kasi tingnan mo itong sina Julia (Garcia) at Julia (Barretto) ang lakas (sa pelikulang Un/happy for You).”

Natanong ni Tita Jegs kung may babalikan pang career si Liza sa Pilipinas, “Feeling ko naman may babalikan pa si Liza kung talagang buo ang loob niya kung mag-iba ang ihip ng hangin at mabalik siya sa dati.

“Kaya naman niyang makabalik na ‘yung dating Liza ha, para maramdaman ulit ng fans,” saad ni Ogie.

Dagdag pa, “Kung masaya si Liza ngayon at excited siya dapat happy na rin tayo for her. Pero kung ang pag-uusapan ay ‘yung mga nagawa niya, nanghihinayang lang ako dahil sana na-continue niya ‘yun.”

“Oo naman kapag binuksan ninyo ang puso ni nanay nandoon pa rin ang pangalan ni Liza,” saad ni Mama Loi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo naman, minsan may lungkot, may kurot sana maramdaman ulit namin si Elizabeth Hope Soberano lalo na ‘yung mga taong nakakakilala sa kanya noong araw,” say pa ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending