James Reid tiniyak na 'business as usual' ang 'Careless'

James Reid pinabulaanan na may kinalaman ang ama sa pagkakaaresto kay Jeffrey Oh, tiniyak na ‘business as usual’ ang ‘Careless’

Reggee Bonoan |September 02,2023
facebook
share this

James Reid pinabulaanan na may kinalaman ang ama sa pagkakaaresto kay Jeffrey Oh, tiniyak na ‘business as usual’ ang ‘Careless’

Reggee Bonoan - September 02, 2023 - 09:31 AM

James Reid pinabulaanan na may kinalaman ang ama sa pagkakaaresto kay Jeffrey Oh, tiniyak na 'business as usual' ang 'Careless'

James Reid, Jeffrey Oh

MARIING itinanggi ng aktor na si James Reid na may kinalaman ang kanyang ama na si Ginoong Malcolm Reid sa pag-aresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa business partner niyang Korean-American na si Jeffrey Oh noong Hulyo 28 sa opisina nito sa Poblacion Makati City.

Ito mismo ang sinabi ni James sa eksklusibong panayam ng entertainment reporter na si MJ Felipe ng TV Patrol.

Matatandaang isa ang BANDERA sa naglabas ng balita na ang ama ng singer-actor ang nagturo kay Jeffrey, base sa aming reliable source at naging viral ito dahil kumalat din ito sa social media at YouTube.

Si James ang Founder at Presidente ng Careless at si Jeffrey naman ang Chief Executive Officer o CEO ng nasabing talent management kung saan kabilang ang aktres na si Liza Soberano sa mina-manage nila.

Ayon kay James ay takang-taka silang pamilya lalo na ang amang si Ginoong Malcolm kung bakit nadamay ang pangalan niya sa news.

Sey niya, “I was shocked. Me, my family, especially my dad. We were shocked with a lot of the rumors that were coming out.”

“When it came out, he said, ‘James, what did I do?’ So yeah, he was shocked. Simplest way to say it is, he had nothing to do with it. It’s surprising and we can joke about it but he was upset with everything that has been happening, the misunderstandings. He was upset on my behalf,” ani pa ni James.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin ibinunyag na ama ni James Reid ang nagpaaresto kay Jeffrey Oh, paano na kaya ang Hollywood dream ni Liza Soberano?

Ipinagdiinan ng singer-actor na kaya raw nahuli si Jeffrey ay dahil sa kawalan nito ng work permit o work visa sa Pilipinas na manggagaling sa Philippine government para legal itong makapagtrabaho rito sa bansa.

Say ng manager ni Liza, “It has been rough. This year has been one of the biggest challenges so far but we are learning a lot but honestly we’re just keep getting stronger.”

Very cool lang si James habang kapanayam ni MJ at nabanggit din nitong walang dapat ipag-alalala ang lahat dahil business as usual ang takbo ng Careless kahit na may kinakaharap na problema ang kanyang business partner na nakalaya na sa pamamagitan ng piyansa.

Walang binanggit ang binata kung ano na ang update sa kaso ng business partner niya dahil sa ilang legalidad na usapan.

Tungkol naman kay Liza at nasambit din ng manager nitong walang dapat ipag-alalala ang supporters niya dahil may malaking project itong pag-uusapan soon.

“When it comes to Liza, I would say she has one of the most amazing projects coming up. Stuff that no one has seen before. And I just want to let the fans know not to worry, there’s nothing to worry about. She is preparing something special for them. That’s something to look forward to,” pagsisiguro ni James.

Dagdag pa, “we are a very small company, but we are very hardworking so it takes us time, so please be patient with us.”

Samantala, naikuwento rin ng binata na nag-aaral ng film si Liza kay Direk Dan Villegas sa Ateneo de Manila University.

Ito ‘yung minsang nabalita na nakita ang aktres sa nasabing eskuwelahan at kumunsulta sa isang abogado ‘yun pala nag-inquire sa kukuning crash course.

Tungkol naman sa pag-aaral nito ng film ay ‘seat in’ lang daw muna si Liza sa klase ni direk Dan, base ito sa balita nina Nanay Cristy Fermin kasama si Romel Chika sa programa nilang “Cristy Ferminute” kahapon ng tanghali, Biyernes (Sept,. 1) sa Radyo 5 92.3 TRUE FM.

Related Chika:

Tatay ni James Reid tinawag na ‘basura’ ang balitang ‘for good’ na ang anak sa US

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RR Enriquez basag sa tatay ni Ruru Madrid: Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending