Cristy Fermin ibinunyag na ama ni James Reid ang nagpaaresto kay Jeffrey Oh, paano na kaya ang Hollywood dream ni Liza Soberano?
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol kay Jeffrey Oh, Chief Executive Officer o CEO ng talent management na Careless na nagma-manage ng career ng aktres na si Liza Soberano at business partner ng singer-actor na si James Reid.
Base sa aming source ay kasalukuyan pa rin itong nakapiit sa Bureau of Immigration Detention Center sa Bicutan, isang linggo na ang nakararaan.
“Ang tagal na nga niya (Jeffrey Oh) ro’n nababagalan siya sa mga nangyayari, mukhang magpapa-deport na lang siya,” sabi ng aming source ng humingi kami ng update sa nasabing Careless CEO.
Samantala, inireport ni Romel Chika kahapon sa “Showbiz Now Na” YouTube vlog nila nina Wendell Alvarez at Nanay Cristy Fermin na ang ama pala ni James Reid na si Ginoong Malcolm Reid ang nagpahuli kay Jeffrey Oh sa mga awtoridad.
“Ipinahuli ng mismong tatay ni James Reid itong si Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless,” sabi ni Romel Chika.
Baka Bet Mo: True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?
Dagdag ni ‘nay Cristy, “Ito po ay naganap sa Poblacion, Makati noong nakaraang linggo po. Naganap at nakunan po ito ng GMA 7 (news) hindi lang po ipinalabas dahil i-inquest pa siya (Jeffrey Oh).”
“Nakikipag meeting po itong si Jeffrey Oh nang dumating ang mga tauhan ng BID (Bureau of Immigration and Deportation), hiningan po siya ng mga papeles, hiningan siya ng SEC registration (pero) wala! At wala rin po siyang karapatang mag-business dito sa Pilipinas dahil wala siyang mga dokumento,” sey pa ng kolumnista.
Aniya pa, “Kaya ang malala po rito, paano kung ang ganito na hinuli ang manager nabago ni Liza Soberano? Paano na ang Hollywood dream niya?”
“Nabulilyaso!” sambit ni Romel Chika.
Sa pagpapatuloy ni ‘nay Cristy, “At ang rason daw kung bakit ang tatay ni James Reid na nagdesisyon na ipahuli itong si Mr. Oh ay hindi raw naibabalik ang pera o amount na pinag-usapan bilang magka-partner (with James Reid as the President and Founder).”
“Ang lakas ng loob niya (Jeffrey Oh) na pumunta rito sa Pilipinas at tuturuan si Liza ng kung anu-ano ang sasabihin nito sa kanyang mga kapanayam, e, wala naman pala siyang karapatang mag-business dito dahil dayuhan siya,” lahad pa niya.
Napag-usapan ng SNN hosts kung ano na ang mangyayari kay Liza sa Hollywood dream niya lalo’t nagpi-piket ngayon ang produksyon, mga artista, mga writers, scriptwriters (o) lahat.
Mayroon silang tinutuligsa na ipinaiiral doon sa Hollywood na kailangan maipanalo ng mga nagta-trabaho roon.
May mga nagsasabing matagal na raw wala sa bansa si Jeffrey Oh.
“E, sino ang nakunan ng BID, multo! Sino ‘yung dinampot ng BID, multo? Sino ang nakunan ng GMA news team multo pa rin?” sey ni nanay Cristy.
Hirit ni Wendell, “e, baka sabihin ng iba clone ‘yun.”
Sabi ni ‘nay Cristy, “ito lang po ah tumaya sa maling kabayo si Liza Soberano. At ang balita pa itong si Jeffrey ay kanyang karelasyon.”
Sinang-ayunan naman ito nina Romel Chika at Wendell dahil matagal na rin nilang nabalitaan.
Anyway, nanatiling bukas ang BANDERA sa panig nina Jeffrey at ng kampo niya.
Related Chika:
Ogie Diaz sinagot si Jeffrey Oh: As far as we know, walang imbitasyon mula sa Marvel
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.