James Reid nilaglag daw ng tatay, basag sa bashers: Nagpapa-Hollywood effect nga, eh! | Bandera

James Reid nilaglag daw ng tatay, basag sa bashers: Nagpapa-Hollywood effect nga, eh!

Reggee Bonoan - February 21, 2022 - 04:16 PM

James Reid

NASULAT namin dito sa BANDERA kahapon na fake news umano ang naglabasang balita na “for good” na ang pagpunta ni James Reid sa Amerika para sa kanyang singing career base sa post ng daddy niyang si Ginoong Malcolm Reid.

Ang caption ni Mr. Reid sa larawang kasama niya si James nang ihatid niya ito sa airport, “With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it. Anything else is basura … sorry to disappoint the fake newsmakers.”

Naaliw kaming basahin ang iba’t ibang reaksyon ng netizens dahil inilaglag daw ni Ginoong Malcolm Reid ang anak na pa-Hollywood na ang drama lalo’t binigyan pa ng despedida party ng mga kaibigan at may pa-cake pa nga na may nakalagay na, “Von Voyage…Good luck James Reid.”

Ang komento kasi ng netizens, ang binibigyan lang daw ng despedida party ay ‘yung hindi na babalik pa.

Narito ang mga nabasa naming comments tungkol sa sinabi ng tatay ni James.

“Dad nya ang nag mamanage kay James di ba? Sigurista si father. Para pag sumablay career sa US may babalikan pa din!”

View this post on Instagram

A post shared by James Reid (@james)


“Para nga naman pag bokya sa Hollywood hindi nakakahiya pag bumalik. LOL! Nice one daddy.”

“May pacake cake pa kasi. LOL!”

“Hala binuko naman ni daddy! E nagpapa Hollywood effect nga si James. Pa drama pa ng despedida with friends!”

“Hahahahaha! Oo nga! Laglag.”

“James’ friends appreciate him to the point of celebrating his departure. I see nothing wrong with that, unless urself have no one to do that for u ever.”

”Nanay at kapatid niya din naman yung OA. Ang kalat ng Reids. hahaha.”

“Bisita lang pala. Bat parang hindi na siya pinapabalik ng fans niya? Hahahaha.”

“What’s wrong? James’ friends did the same thing to their other close friends too.”

“Going away party lang pala! Hahaha.”

Sabi naman ng isang netizen, “Sana pag nagbakasyon ako sa bora for 2 days, ipaa despidida rin ako ng friends ko. Lolololol.”

May paliwanag din ang isang netizen tungkol dito, “Despidida kasi is let just say heavy word since ginagamit lng ito if the celebration is for walang balikan like being single into married life or magse-settle na sa ibang lugar/bansa. Ganyun. Wrong term ang ginamit nila which causes confusion sa ibang tao/fans.”

“Recording session lang naman pala and visit sa kapatid. Bakit may padespedida na parang 5 taon ang kontrata nya sa abroad.”

Ang paniniwala naman ng isa pang netizen baka raw ginawa ito para umingay ang pag-alis ni James, ”Para umingay daw ang name nia. Hindi na kasi relevant. Napapag usapan na alng pag kinakabit sa name ni Nadine and her new bf.”

“Hala ano ba yun bakit mukhang pinalabas na dun na sya magtatagal eh recording sessions lang pala. Lagot ka daddy Reid.”

https://bandera.inquirer.net/306090/tatay-ni-james-reid-tinawag-na-basura-ang-balitang-for-good-na-ang-anak-sa-us

https://bandera.inquirer.net/290655/james-reid-hindi-pa-rin-nabebenta-ang-bahay-umaasang-may-chance-pa-kay-nadine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305920/sayang-na-sayang-ang-loveteam-nina-james-at-nadine-cristy-fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending