RR Enriquez basag sa tatay ni Ruru Madrid: Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY!? | Bandera

RR Enriquez basag sa tatay ni Ruru Madrid: Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY!?

Reggee Bonoan |August 25,2022
facebook
share this

RR Enriquez basag sa tatay ni Ruru Madrid: Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY!?

Reggee Bonoan - August 25, 2022 - 03:24 PM

RR Enriquez, Bianca Umali at Ruru Madrid

SINAGOT ng ama ni Ruru Madrid na si Ginoong Bong Madrid ang Sawsawera Queen na si RR Enriquez nang magbigay ito ng opinyon sa relasyon ng aktor kay Bianca Umali.

Katwiran kasi ng dating “Wowowin” dancer-TV host turned businesswoman ay imposibleng wala pang relasyon sina Ruru at Bianca sa loob ng apat na taong pagde-date. Ang palabas kasi ng dalawang GMA artists ay wala silang label.

Sa Instagram post ni Mr. Bong Madrid ay ipinost niya ang larawan ni RR habang nasa loob ng eroplano, at ang caption nito ay, “Heto pala yung RR ENRIQUEZ. Artista ba to? Anong show. Nagpa # (hashtag) ng ‘prayforbianca’, gigil daw s’ya sa 4 years na walang label.

“Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. Daming pwdeng pagkaabalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. daming oras di sya busy. #PagInggitPikit,” sabi pa nito.
Sinegundahan naman ito ng netizen na si @eleber18, “YAN PO YONG TAONG MAKITID ANG UTAK AT MAHINA ANG PINAGKUKUNAN TITO BONG (clapping hands emoji).”

Sabi naman ni @mydir, “Ok Lang po yan sir @bhongmadrid Kc need po ni @rr.enriquez makialam kc Wala nga sya magawa kundi mangialam sa buhay ng May buhay.”

View this post on Instagram

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)


Ang isinagot ni Ginoong Bong ay ang post ni RR na larawan nina Ruru at Bianca na pinik-ap nito sa online showbiz website na may titulong “Apat na taong dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali wala raw label.”

Ang caption nito ay, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako.

“Four years and yet ‘No Label??’

“Gurl if totoo man ‘yan you should know your worth…

“Kaya ko pa i-accept if 6months lang ‘yan because ganyan din kami dati nag start ni frog pero after 6months of dating, Aba teka do you want it to be official or official na kita kakalimutan.

“4 years is too long para hindi n’yo pa din malagyan ng label yan…

“Buti pa ‘yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga…

“Ok madami pa ako sasabihin pero sa new Sawsawera Vlog show ko na sasabihin.

“Yes you heard me right! After one year of being SAWSAWERA I decided na gawin na itong vlog show. Since in demand tayo ngayon.

“Watch for my Pilot episode na ilalabas ko this Friday or Saturday,” aniya pa.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nabasang sagot ni RR sa pahayag ng ama ni Ruru.

https://bandera.inquirer.net/293388/rr-enriquez-sawsawera-queen-wala-talaga-akong-ginagawa-sa-buhay-kaya-naging-tsismosa

https://bandera.inquirer.net/293531/rr-enriquez-sa-mga-kapwa-sawsawera-utang-na-loob-gamitin-nyo-yung-maganda-kong-pictures

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306090/tatay-ni-james-reid-tinawag-na-basura-ang-balitang-for-good-na-ang-anak-sa-us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending