Mark Andrew Yulo umalma sa fake news: Ako ginatasan ni Caloy!?

Mark Andrew Yulo umalma sa fake news: Baka ako ginatasan ni Caloy!?

Ervin Santiago - September 08, 2024 - 12:21 PM

Mark Andrew Yulo umalma sa fake news: Baka ako ginatasan ni Caloy!?

HALOS araw-araw nang nagla-live sa Facebook ang tatay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo upang ipakita ang mga kaganapan sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

In fairness, pak na pak sa mga netizens ang pagbabahagi ni Mark sa publiko ng mga ginagawa niya everyday pati na ng kanyang mga anak, kabilang na ang pagte-training ni Eldrew.

Marami ring nagpapahatid ng tulong pinansiyal sa ama ni Carlos sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa kanyang GCash account.

Ayon kay Mark, ginagamit niya ang ibinabahaging tulong ng kanyang FB followers sa isinasagawa niyang feeding program sa kanilang mga kabarangay.

Last September 6, Friday, sa Facebook live ni Mark sinagot niya ang ilang comments ng netizens.

Baka Bet Mo: Chloe San Jose may banta kay Carlos kapag bumalik sa pamilya?

Base sa isinulat ng ating colleague na si Jojo Gabinete sa Pep.ph, may isa siyang viewer na nagsabing malapit daw ang bahay nila sa pag-aaring condominium ni Carlos sa Taguig City.

Birong dialogue ni Mark, “Pakibatukan nga si Caloy diyan. Malapit ka pala sa condo niya. Pakibatukan nga si Caloy diyan kapag nakita mo.”

Sinagot din ni Mark ang isa niyang FB follower kung totoong ginatasan niya ang anak na si Carlos.

Hirit niyang sagot, “Paano ko ginatasan? Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha niya yung semilya ko tapos ginanyan lang niya kami?”

Kasunod nito, sinabi ni Mark na joke, joke, joke lang ang mga sagot niya pero makikita sa mukha niya ang sama ng loob sa kanyang anak na gymnast.

Isa naman ang nagkomento na bagay daw si Carlos sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na sinang-ayunan din Mark. Marami kasi ang nagsi-ship ngayon sa dalawa at nagre-request na gumawa sila ng project together.

“Oo. Bagay na bagay,” ang tugon ni Mark na pinaniniwalaang patutsada nito sa girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa isang bahagi ng FB Live ni Mark, nasabi nitong ipagdarasal din niya sina Carlos at Chloe at sana’y magbago na ang mga ito.

“Ano sila, e, nasa alapaap, e. Hindi pa nila alam yung mga mangyayaring karma. Joke lang,” hirit pa ni Mark Andrew.

Patuloy pa niya, “Palagi na kaming magla-live, bukas magpapakain kami ng mga bata.

“May nagbigay sa amin na isang mabait na kaibigan para makapagpa-feeding kami para sa maraming kabataan. Sa ibang lugar, magbibigay tayo ng blessings.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala, e, hindi ako pinansin ni Boss Caloy saka ni…okay lang yon, marami pa naman mabubuting tao sa mundo. Kasama pa rin sila roon kaya tanging dasal ko lang, magkaayos kami.

“Normal naman sa mga tao na tulad natin na nabubuhay na nilalang sa mundo, nagkakamali rin. Walang perpektong tao kaya kailangan din tayo na maging mabait sa kapwa,” dagdag pa ng ama ni Caloy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending