Bea talo sa cyber libel case na isinampa laban sa kasambahay

Bea Alonzo talo sa cyber libel case na isinampa laban sa kasambahay

Reggee Bonoan - September 10, 2024 - 09:20 AM

Bea Alonzo talo sa cyber libel case na isinampa laban sa kasambahay

Bea Alonzo, Romel Chika at Cristy Fermin

IBINASURA ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong cyber libel na isinampa ni Bea Alonzo laban sa dati nilang kasambahay.

Base ito sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin kahapon sa “Cristy Ferminute” radio program nila ni Romel Chika sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM.

“Ang nakalagay doon sa kanilang release ay kulang sa ebidensiya hindi napatunayan kaya dismissed,” sabi ni ‘Nay Cristy.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama tinuluyan ng NBI, kinasuhan ng cyber libel dahil sa socmed post laban kay Jayke Joson

“Hayan ang positibong balita,” sambit naman ni Romel Chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Hirit ng “CFM” host, “Ano sasabihin mo, sana all? Ha-hahaha?”

Kaya nabanggit ni ‘Nay Cristy ang katagang “sana all” ay dahil may kinakaharap din silang cyber libel case mula rin kay Bea sa Quezon City Prosecutors Office.

“Ha-hahaha! Susunod na rin tayo (ma-dismiss ang kaso),” saad ni Romel Chika.

“Hindi, ilalabas natin ‘yung ating kaso na isinampa ni Bea at kina Ogie Diaz, maaaring magkaiba naman ‘yun pero ang mahalaga kapag merong sapat na ebidensiya para sumampa ang kaso (sa korte) walang problema.

Baka Bet Mo: Cyber libel case ng ina nina Toni at Alex kay Cristy Fermin ibinasura

“Pero kapag wala talaga at hindi kinambalan ng mga ebidensiya, e, tiyak na sa basurahan din ang tuloy ng kaso, ganu’n lang ‘yun,” sabi pa ng online host

May mga tagapakinig ng “Cristy Ferminute” ang nag-react sa isyu at ang iba ay binasa ni ‘Nay Cristy sa ere. May mga nagsabi na natalo na si Bea sa isang kaso at sana raw ang susunod na ma-dismiss ay ‘yung kina ‘Nay Cristy at Romel Chika.

“Yan din ang hiling namin, pero hindi namin dapat pangunahan at nasa piskalya pa po ang kaso at tulad natin hindi rin naman nakaharap ni Flor Megallon itong si Bea Alonzo sa pandinig ng kaso hindi siya dumalo,” paliwanang ng “CFM” host.

Iisa ang tanong ng netizens bakit nga raw ba hindi dumadalo ng hearing niya si Bea Alonzo?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Samantala, ang pumirma ng dismissal document ng kaso ni Flor Magallon ay si Assistant City Prosecutor Virgel Amor Ordono Vallejos at recommending prosecutor Nerissa Rhona Zamora-Amoroso, Senior Assistant Prosecutor.

Si Flor Magallon ay dating kasambahay na tinanggal umano ni Bea sa serbisyo. Si Flor din ang sinasabing karelasyon ng family driver ng aktres na si Efren Torres delos Reyes.

Ang naturang driver naman ang nagsampa ng kaso laban kay Bea sa NLRC Department of Labor o DOLE dahil sa hindi umano pagbibigay ng aktres ng night shift differential pay, overtime pay, holiday pay, 13th month pay at separation pay.

Bukod pa riyan ang mga kasong illegal dismissal, maltreatment at harassment. Ano na nga kaya ang nangyari sa nasabing kaso?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Bea hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending