Cyber libel case ng ina nina Toni at Alex kay Cristy ibinasura

Cyber libel case ng ina nina Toni at Alex kay Cristy Fermin ibinasura

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 06:00 AM

Cyber libel case ng ina nina Toni at Alex kay Cristy Fermin ibinasura

Cristy Fermin, Alex Gonzaga, Pinty Gonzaga at Toni Gonzaga

PATI pala ang nanay nina Toni at Alex Gonzaga na si Mommy Pinty ay nagdemanda ng cyber libel laban sa premyadong entertainment writer at online host na si Cristy Fermin.

Mismong si Nanay Cristy ang nag-reveal tungkol dito sa kanyang programang “Cristy Ferminute” sa Radyo5 at One.PH  ngayong Lunes, August 26.

“Alam n’yo po mga kapatid, meron po akong sasabihin sa inyo na rebelasyon,” simulang pahayag ng radio and online host.

Baka Bet Mo: Netizens ayaw nang mag-comment sa post ni Bea: Baka idemanda rin tayo!

Patuloy pa niya, “Hindi lang po ako nagsasalita at ayoko ho ipagmalaki, pero ilang buwan na po ang nakararaan, idinemanda po ako at si Wendell Alvarez ni Mrs. Pinty Gonzaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinty Gonzaga (@mommypinty)


Ngunit pagbibigay update ni Nay Cristy tungkol dito, ibinasura na raw ito ng Quezon City Prosecutor’s Office.

“Nabasura po yung kaso. Hindi rin po kami nagharap sa piskalya. Hindi lang po kami maingay, nabasura po yung kasong yon, cyber libel.

“Nabasura po yon sa Quezon City kaya maraming ganito na hindi na lang po kami nagsasalita.

Baka Bet Mo: Alex binasag ang b-day message ni Mommy Pinty: Tumawag ka pa para ipagmalaki mo sa ‘kin na ipinost mo ko sa IG!?

“Baka sabihin, ‘Nagyayabang pa kayo, ganito ganyan.’ Hindi po, nabasura po yon.

“Si Mrs. Pinty Gonzaga po ang nagdemanda sa amin ni Wendell. Ngayon ko lang sinabi,” pahayag pa ng veteran showbiz columnist.

Wala namang nabanggit ang host ng programa kung bakit siya kinasuhan ng nanay nina Toni at Alex.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinty Gonzaga (@mommypinty)


Bukod kay Mommy Pinty, ilan pang celebrities ang nagsampa ng cyber libel laban kay Nanay Cristy.

Kabilang na riyan ang nanay ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati na naghain ng kaso sa Department of Justice.

Nagsampa rin ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor’s Office ng cyber libel laban sa veteran columnist na sinundan pa ng reklamo mula sa mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa Makati Prosecutor’s Office.

Humabol pa nga ang ex-fiancé ni Bea na si Dominic Roque sa pagsasampa rin ng cyber libel case sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Sey pa ni Nanay Cristy sa mga kinakaharap na kaso, “Talagang uma-attend ako ng hearing. Wala naman masama sa personal appearance sa korte. Natural, di ba? Kinasuhan ka, e. E, di pumunta ka.

“Hindi po pupuwedeng hindi po dadating ang kinasuhan. Dapat naroon, makikipagharap sa kumaso,” lahad ni Nanay Cristy.

Dagdag pa niya, sa lahat ng pinuntahan niyang pagdinig sa piskalya halos lahat ng complainants ay hindi pa raw niya nakakaharap.

“Si Sharon Cuneta, hindi ko naman nakita sa hearing kahit minsan. Si Dominic Roque, hindi rin.

“Si Bea Alonzo, hindi rin namin nakikita ni Rommel (Chika, co-host sa show) at ni Wendell (Alvarez).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Buti pa nga yung mag-asawang Lahbati, yung babae, yung nanay, nakita natin. Pero yung tatay hindi pa rin, di ba?” pahayag pa ni Nanay Cristy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending