Tita Jegs, Dyosa Pockoh 'ligtas' sa cyber libel case ni Bea

Tita Jegs, Dyosa Pockoh ‘ligtas’ sa isinampang cyber libel case ni Bea

Reggee Bonoan - June 16, 2024 - 09:52 AM

Tita Jegs, Dyosa Pockoh 'ligtas' sa isinampang cyber libel case ni Bea

Dyosa Pockoh, Tita Jegs, Bea Alonzo

NAKAKAALIW panoorin si Ate Mrena sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi dahil kahit na anong tukso sa kanya para magbigay ng opinyon niya sa usaping Bea Alonzo ay super tanggi siya.

Si Ate Mrena ang nasa likod nina Ogie at Mama Loi na nagbibigay ng saloobin niya kapag may maiinit na isyung pinag-uusapan ang dalawang host ng nasabing vlog.

Tinanong ni Ogie kung bakit tahimik si Ate Mrena at sinenyas nito na mahirap gumising ng maaga para manumpa (minuwestra).

Kasama kasi si Ate Mrena sa demandang two counts of cyber libel na inihain ni Bea kina Ogie at Mama Loi.

Baka Bet Mo: Netizens ayaw nang mag-comment sa post ni Bea: Baka idemanda rin tayo!

Pero sina Tita Jegs at Dyosa Pockoh pala ay wala ang mga pangalan sa inirereklamo ng aktres na nalaman namin ito mismo sa una nang magkita kami sa premiere night ng “Fruitcake” sa Trinoma Cinema 7 nitong Martes, June 16.

Kinumusta kasi namin si Tita Jegs kung ano ang pakiramdam niya na kasama siya sa demanda at umiling sa amin ang vlogger.

“Hindi kami kasama ni Dyosa, si Mrena lang kasi ‘yung nakita nilang isyu ay more than two years na, e, dapat pala pag ganu’n within two years magsampa ka na, e, lampas na kaya hindi kami kasama. Si Mrena ‘yung nakitaan na pasok sa date kaya bukod kina Loi at Ogie kasama siya,” paglilinaw ni Tita Jegs.

Ayun, kaya pala saya-sayahan sina Tita Jegs at Dyosa dahil hindi sila gigising ng maaga para manumpa.

Natanggap na raw finally ni Ogie ang kopya ng reklamo ni Bea na kaya pala natagalan ay dahil mali ang address.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang ibinigay na detalye si Ogie tungkol sa kaso dahil hindi sila pwedeng magkomento at sasagutin naman nila ang reklamo ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending