Ogie Diaz nadulas, girl daw ang panganay na anak nina Coco at Julia? | Bandera

Ogie Diaz nadulas, girl daw ang panganay na anak nina Coco at Julia?

Reggee Bonoan - March 24, 2022 - 04:19 PM

Coco Martin at Julia Montes girl daw ang anak?

Coco Martin at Julia Montes

“FEELING ko, sila naman,” ang diretsong sabi ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Tita Jegs tungkol sa tunay na relasyon nina Coco Martin at Julia Montes.

“Well, kung ayaw pa nilang umamin dahil baka gusto nila pribado lamang or hindi puwedeng pakialaman ng public ang kanilang relasyon kaya hindi sila para umamin o in-announce to the whole world na sila na,” paliwanag pa ng talent manager-vlogger.

Tanong ni Mama Loi, “Bakit kaya hindi pa tinuluyan parang bitin pang ginawa. Di ba sinabi na ni Julia na yes she’s in love. She’s into a relationship? Tapos sabi niya her relationship is never a secret naman daw. Never a secret pala bakit hindi natin alam?”

“E, alam mo naman ang publiko di ba? Gusto nila ay naririnig mismo sa bunganga ng kabayo, from the horse’s mouth, ‘yes kami na.’

“E, hindi sila (publiko) parang kuntento do’n sa ‘what you see is what you get.’ Gusto nila naririnig nila, gusto nila confirmation mula sa dalawa.

“Pero kung ayaw naman nila (Coco at Julia) ay intindihin na lang natin.  Tayo na lang ang mag-conclude kung sila, e, di sila,” paliwanag mabuti ni Ogie.

Biglang hirit ni tita Jegs ng, “E, ‘yung anak ‘te kelan naman aaminin?”

Nagulat ang dalawang host ng “Showbiz Update” sabay tanong ni Mama Loi kay Ogie, “Anong anak?”

Napapikit ang talent manager at vlogger at tumingin kay tita Jegs sabay sabing, “No comment!”

Sabi ulit ni Mama Loi, “Totoo bang babae ‘yung anak?”

“Alam mo dalawa lang naman ‘yan, kundi baba o lalaki. Hayaan na lang natin silang umamin doon,” diin ni Ogie.

Hirit ulit ni tita Jegs, “Three years old na raw?”

“Alam mo, ang dami-dami mong alam! Kaloka ka. Ikaw na dito, ako diyan sa likod,” sabi ni Ogie kay tita Jegs.

Dagdag pa, “Pero alam mo kung ayaw pa rin nilang aminin ibigay natin sa kanila ‘yan. Baka gusto lang din nilang maging pribado o ayaw isapubliko.”

Katwiran naman ni Mama Loi, bakit ayaw pang umamin na, ‘yes we’re together’ ang dalawang bida ng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil lagi naman silang nakikitang magkasama pati nu’ng nagparehistro sila para makaboto ngayong May 9 na halalan. Mga bakasyon nila na silangvdalawa lang sa Boracay at iba pa.

“Saka ‘yung anak!” giit ni tita Jegs.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Pero alam mo sa totoo lang, let’s be honest kumakalat na ‘yan noon pa na may anak sila.  Kaya lang sino naman tayo para piliting umamin? Baka rin naman nag-e-enjoy sila ng ganyan.

“Baka rin gusto nila ‘yung ganu’n lang na hindi umamin at amin lang ‘tong anak namin at hindi para isapubliko ‘yung anak namin.

“Pero siyempre di ba, kahit sino proud ka sa anak mom gusto mo siyang ilabas. Gusto mo siyang ipagbanduhan na we are the proud parents of this girl,” pagkumpirma ni Ogie.

Nagulat ang dalawang kasama, “Huh? Girl? Inamin mo na girl nga?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

“Ha?” nagulat na tanong din ni Ogie.

“Kakasabi mo lang, rewind?” Saad ni Mama Loi.

“Narinig ko rin,” sabi ni tita Jegs.

Napapikit ulit si Ogie na tila wala na siyang lusot, “Kung ayaw isapubliko hayaan na natin. Basta ang importante, e, happy sila. Kung totoo man ‘yan hindi naman sa atin kinukuha ‘yung panggatas ng baby nila.”

Lalong naloka si Mama Loi at tila inuurot na si Ogie sa revelations nito na dire-diretso at walang preno at pumipiyok pa.

“Lalo na ala-una na (madaling araw),” napamurang sambit pa nito.

At nagkatawanan ang tatlo dahil sa naging takbo ng usapan nila na ang simula lang naman ay tungkol sa pasorpresang birthday cake ni Coco kay Julia sa set ng “FPJ Ang Probinsyano” na nauwi sa isang pasabog tungkol sa anak na babae.

https://bandera.inquirer.net/280572/sharon-nakiusap-sa-diyos-hindi-ko-na-kaya-tita-fanny-is-now-on-life-support

https://bandera.inquirer.net/307024/karla-posible-nga-kayang-tsugihin-na-sa-magandang-buhay-dahil-kay-regine

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299336/hirit-ni-luis-sa-relasyon-nina-edu-at-cherry-pie-feeling-ko-baka-sila-na-ang-itapat-sa-kathniel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending