Vice Ganda may bagong kanta, para kay Cristy Fermin ba?

Vice Ganda may bagong kanta, para kay Cristy Fermin ba?

Therese Arceo - May 31, 2024 - 02:45 PM

Vice Ganda may bagong kanta, para kay Cristy Fermin ba?

PROUD na ibinandera ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang teaser para sa kanyang ilalabas na bagong kanta na pinamagatang “Bwak Bwak Bwak”.

Sa kanyang latest Instagram post ay ibinahagi niya ang isang video teaser kung saan maririnig ang ilang lines ng kanyang bagong song na mapapakinggan na simula bukas, June 1.

“Bwak bwak bwak bwak bwak bwak. Ano nga ulit ang sinasabi mo? Bwak bwak bwak bwak bwak bwak, Lord please kunin Mo na siya,” bahagi ng lyrics ng bagong kantq ni Vice.

Agad namang itong pumukaw ng pansin mula sa mga netizens at umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.

Baka Bet Mo: Vice Ganda ayaw patawag na babae: Magagalit si Cristy Fermin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ng mga netizens, may hula na sila kung sino ang naging inspirasyon ni Vice sa kanyang paggawa ng bagong kanta.

Bagamat walang binanggit ang “It’s Showtime” kung para kanino ito ngunit marami ang nagsasabi sa comment section na may kinalaman ito sa showbiz columnist na si Cristy Fermin.

“cristy fermin left the whole world HAHAHAHAAHAHABA,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Haha laroshi excited na ko!!!”

“OMG! SUCH A REPUTATION ERA VIBE MAY DISS TRACK NA PALA HAHA,” sey naman ng isa.

Hirit pa ng isang netizen, “When life give you Cristy make bwak bwak bwak.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aware naman ang lahat sa hindi magandang relasyon nina Vice at Cristy dahil madalas gawing topic ng huli ang komedyante sa kanilang showbiz shows.

Sa katunayan, may post rin noon ang Kapamilya star sa X (dating Twitter) na may mga captions na tawang “bwak bwak bwak”.

Samantala, nabanggit na rin noon ni Vice na gagawa siya ng kanta nang ma-interview siya ni MJ Felipe sa “On Cue”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending