PH NAKALIKOM NG 29 GINTO SA SEAG | Bandera

PH NAKALIKOM NG 29 GINTO SA SEAG

Mike Lee - December 23, 2013 - 12:00 PM

NABIGO ang Team Philippines na makuha ang ika-30 gintong medalya nang nakontento sa tansong medalya ang mga sepak takraw players na siyang huling lumaban sa pagtatapos ng 27th Southeast Asian Games kahapon sa Naypyitaw, Myanmar.

Sina Emmanuel Escote, Jason Hurte, Rhey Jhey Ortouste ay natalo sa Laos, 1-2, sa semifinals ng men’s doubles upang pormal na magwakas ang kampanya ng Pilipinas.

Sa pagsasara ng tabing sa tuwing kada-dalawang taong kompetisyon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng 29 ginto, 34 pilak at 38 tanso para malagay sa pinakamababa sa kasaysayan ng paglahok sa SEA Games na ikapitong puwesto.

Ang host Myanmar ang siyang kumuha ng dalawa pang ginto sa sepak takraw upang tumapos sa ikalawang puwesto sa natipong 86 ginto, 62 pilak at 85 tanso.

Gaya ng inaasahan, ang Thailand ang siyang lumabas bilang number one sa nalikom na 107 ginto, 94 pilak at 81 tanso habang ang Vietnam ang pumangatlo sa 73-86-86 medal tally.

Ang Indonesia na overall champion noong 2011 bitbit ang 182 gold, 151 silver at 143 bronze medals ay nadiyeta sa pagkakataong ito sa kinubra lamang na 65-84-111 medal haul.

Ang Malaysia ang nalagay sa ikalimang puwesto sa 43-38-77 habang ang 2015 SEA Games host Singapore ang pumang-anim bitbit ang 34-29-45 medal tally.

Ito na ang ikatlong pinakamasamang pagtatapos ng Pilipinas sa SEAG matapos ang pang-anim na pagtatapos noong 2007 at 2011 sa Thailand at Indonesia.

Pero hindi naman nangangahulugan na hindi lumaban ang pambansang atleta dahil kung hindi nabiktima ang ilang atleta ng hometown decision at napanatili ng wrestling, chess at equestrian ang mga gintong napanalunan sa Indonesia ay nahigitan ng maliit na delegasyon ang 36 ginto na hinakot dalawang taon na ang nakalipas.

Noong 2011, nasa 22 national sports associations ang nanalo ng ginto at sampu rito na athletics, boxing, taekwondo, billiards, cycling, basketball, judo, rowing, archery at wushu ang nagsanib ng 25 ginto.

Ang mga hindi nanalo sa Indonesia na golf at karatedo at ang ibinabalik na muay ay nagpasok ng apat para makumpleto ang kabuuang ginto ng bansa.

Nawalan ng apat na ginto ang Pilipinas kumpara sa 2011 dahil ang wrestling (2), chess (1) at equestrian (1) ay hindi nagdeliber sa edisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ininda pa ng bansa ang pandarayang inabot nina swimmer Jasmine Alkhaldi, judoka Nancy Quillotes, boxers Nesthy Petecio at Wilfredo Lopez at muay Philip Delarmino para sa limang gintong medalya.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending