SemanaSanta2025: Visita Iglesia, penitensiya, road trip ng mga stars

Kelvin Miranda, Glaiza de Castro, Arci Munoz, Joel Torre, Sanya Lopez at Piolo Pascual
KANYA-KANYANG ganap ang mga celebrities at iba pang personalidad sa tuwing gugunitain sa bansa ang Holy Week o Semana Santa.
May mga nagpupunta sa mga tourist destination sa Pilipinas samantalang ang iba naman ay lumilipad patungo sa iba’t ibang bansa.
Ang ilan naman sa mga artista ay mas gustong manatili na lamang sa bahay para makapagpahinga nang ilang araw habang ang iba naman ay mas pinili pa ring magtrabaho dahil nasasayangan sila sa kanilang kikitain.
Sa henerasyon ngayon, iilan na lamang siguro ang talagang sumusunod sa mga tradisyong nakagawian na ng milyun-milyong Pinoy sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw.
Pero ano nga ba ang mga karaniwang ginagawa ng mga paborito nating mga celebrity sa paggunita ng Holy Week. Narito ang ilan sa mga nakalap naming impormasyon.
PIOLO PASCUAL
Noong kanyang kabataan, may ilang tradisyunal na paniniwalaan din si Papa P at ang kanyang family tuwing Semana Santa. Ngunit habang dumaraan ang panahon, mas naging malalim pa ang paggunita niya sa Mahal na Araw.
“Traditionally, marami yan, like Visita Iglesia. Pero ngayon mas ino-observe ko is more on the intimacy. Magdasal ka kahit nasaan ka man. It’s really observing the Lenten Season,” sabi ni Piolo.
ARCI MUÑOZ
Kahit may trabaho kapag sasapit ang Mahal na Araw, ginagawa pa rin ni Arci ang ilang tradisyon ng kanilang pamilya tulad ng pagdarasal nang taimtim at penitensiya o pagsasakripisyo.
Sa katunayan, nagpa-tattoo pa ang aktres sa kanyang mga palad bilang bahagi ng kanyang pananampalataya sa Diyos, “My infinity rose cross that symbolizes my infinite love for jesus that will bloom forever.
“Detached myself from this world (social media) for a week as part of my penance. Again my heart is full o Lord. And as I continue to walth through my everday life. I will and always be grateful for everything you bestowed upon me lord God.”
SANYA LOPEZ
Pagsasabayin naman ng Kapuso actress ang bakasyon at trabaho ngayong Semana Santa. Pupunta raw siya sa Japan dahil may gagawin siyang bagong project doon.
“But usually, like sa mga past Hoy Week, I really spend time with my family. Magpupunta kami sa beach, bonding-bonding. Minsan naman travel talaga, sa ibang bansa. But this time, yun nga, lilipad ako pa-Japan, so sabay na yung trabaho and vacation,” pagbabahagi ni Sanya.
JOEL TORRE
“Me time” naman para sa award-winning veteran actor ang paggunita sa Holy Week. This year, plano niyang mag-out-of-town.
“I’m going to Palawan pero babalik din ako sa Holy Week itself. Usually kasi hindi talaga ako lumalabas ng Friday, Saturday and Sunday. I make it a point na…kasi ang dami ng tao sa labas, e.
“Hindi na ako sasabay talaga sa Holy Week vacation. So, mauuna muna yung bakasyon sa Palawan then babalik na rito sa last three days ng Mahal na Araw. That’s my time for reflection, my me time.
“Mag-isa lang ako. Saka ang sarap-sarap sa Maynila that time, walang masyadong tao, walang katao-tao.”
BENEDICT MIQUE
“Usually kapag Holy Week, out-of-the country kami ng family or out-of-town pero ngayong taon baka somewhere here lang. Kasi may mga trabaho pa ring dapat tapusin. Baka after April na yung bakasyon,” ang pahayag naman ng filmmaker tungkol sa Holy Weel plans ng family.
“Dati, nagbi-Visita Iglesia kami, sa Poblacion (Makati), yung mga Station (of the Cross) du’n. Tradisyon na naming magbabarkada yun, parang panata,” aniya pa.
JOEM BASCON
Tandang-tqnda pa rin ni Joem yung mga panahong nagbi-Visita Iglesia siya kasama ang kanyang ina. Isa raw ito sa palagi niyang nilu-look forward every year.
“Nagbi-Visita Iglesia kami noong malakas pa ang mommy ko pero ngayon nasa bahay na lang sila. Kami na lang nagpupunta just for us to show na nire-reminisce namin ang mga yun,” aniya.
SITTI
Hindi nakagawian ng Pinay Bossa Nova Queen ang magbakasyon sa ibang lugar sa tuwing Mahal na Araw. Ito raw kasi yung time na nagsasama-sama ang kanilang pamilya para makilahok sa mga gawain sa simbahan.
Ani Sitti sa isang panayam, “Holy Week has always been a time for me to reflect on myself and my faith. It is also a time for me to serve in the church. I’ve always spent Holy Week at home with my family. We also attend church activities.”
GLAIZA DE CASTRO
Panahon ng pagninilay para kay Glaiza ang Semana Santa. Ito raw yung perfect time para balikan ang mga nangyari sa ating buhay – maganda man o hindi.
“Minsan talaga nakakalimutan na natin ang mag-reflect at magpasalamat. Mas nararamdaman kasi natin yung pagod, yung stress. But it’s always important to find time para mag-look back sa mga nangyari sa atin,” saad ng Kapuso star.
AMY PEREZ
Kapag Holy Week, panata na ng TV host-actress at ng kanyang pamilya ang tinatawag niyang “3R’s”.
“It is a time to Relax with my family. It is also a time to Reflect and Renew my relationship with God. For people who are in my kind of work, it’s the only time when we can take a long vacation with our families.”
KELVIN MIRANDA
Family time sa pamamagitan ng bonggang road trip ang Semana Santa para sa “Sang’gre” star na si Kelvin Miranda.
Nag-eenjoy daw talaga sila kapag bumibiyahe together, “Minsan nagmomotor kami papunta sa mga lugar na gusto naming bisitahin. With caution naman, hindi naman ‘yun reckless ride. Parang mas more on ine-enjoy lang namin ‘yung feeling na payapa ang paligid.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.