Artista hindi naging paborito ng TV network dahil pangit ang ugali

Artista hindi naging paborito ng TV network dahil pangit ang ugali

Reggee Bonoan - February 08, 2025 - 08:03 AM

Artista hindi naging paborito ng TV network dahil pangit ang ugali

KAYA naman pala hindi paborito ang homegrown artist ng isang TV network ay dahil hindi kagandahan ang ugali nito.

Noon pa namin ito naririnig, pero dedma kami dahil ano naman pake namin kasi hindi naman kami magkakilala at ilang beses lang din namin siya na-interview na masasabing sakto lang naman din ang naging takbo -hindi gaanong interesting.

At dahil umandar ang pagiging attitude ng artist na ito sa isang panayam ay bigla naming naalala ang kwento ng ilang handlers ng talent agency ng TV network.

Baka Bet Mo: Osang paborito ni Direk Darryl Yap: Magaling umarte, matalino

Kaagad naming tinawagan ang nagkwento at pagsagot kaagad sa amin ay, “Naku, alam ko na ang itatanong mo, ha, ha, ha, ang bilis mo, ha.”

Tinanong kaagad namin kung paborito na siya at nabibigyan na ng projects, “Oo naman may mga projects naman dami nga eh, pero ‘yung paborito wiz ha, ha, ha okay na kami sa ganu’n, civil lang. pag may project usap-usap lang ganern. Kahit naman si (TV executive) kaswal lang ding kausapin si (artist), may boundaries para hindi siya maging kampante at mag-attitude ‘no.”

Sa totoo lang, marunong naman umarte ang artist na ito, pero dahil sa pagkakaroon niya ng attitude ay nawawala ang paghanga sa kanya ng co-actors niya sa network, isama pa ang ilang handlers.

Sa kasalukuyan ay may project ang artist na ito at isa siya sa main cast kaya siguro feel na feel nito ang karakter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending