Osang paborito ni Direk Darryl Yap: Magaling umarte, matalino
KUMPIRMADONG paborito talaga ng Viva bosses ang direktor na si Darryl Yap.
Katatapos lang ng “Gusto kong Maging Pornstar” na napapanood ngayon sa VivaMax ay heto’t may “rantserye” (read: talakan) na rin siya, ang “Kung Pwede Lang” o “KPL.”
Sa ginanap na digital mediacon ng serye kaninang tanghali ay natanong si direk Daryll kung ano naman ang bagong ipakikita ng kanilang digital series sa mga manonood.
“As Batang 90’s I grew up watching ABS-CBN teleseryes and one of my dreams actually is makagawa ako ng isang teleserye.
“So, ako pinayagan naman ako ng Viva na magkaroon ng isang playground kung saan makakagawa ako ng teleserye type pero rooted sa aking filmed battle cry na sobrang normalan lang ang pagsasalita, everyday scenario ng isang Filipino imperfect family,” simula niyang paliwanag.
“Hindi ako makakapagsabi kung ano ang kaibhan kasi para sa akin lagi ko naman sinasabi na ang bentahe ng lahat ng aking gawa ay tungkol sa kung ano ang pang-araw-araw na karanasan.
“So, kung tatangkilikin ito gaya ng unang nailabas, this is the story of every normal Filipino imperfect family that trying to convey,” sabi pa ng batang direktor.
Bakit nga ba “rantserye”, “Because we would like the grasp the idea na lahat ng miyembro ng pamilya lalo na ngayon panahon ng pandemya at panahon ng samu’t saring krisis gusto kong marinig sana ng tao hindi lang ‘yung buhay nila kundi ‘yung kanilang nasasabi kung anong meron sa panahon ngayon bilang anak, bilang kuya, bilang lolo, bilang lola, bilang asawa, nanay at tatay.
“So ito ang magiging core ng kuwento ng Kung Pwede Lang, opinyon o saloobin ng bawa’t miyembro ng pamilya at sa buong lipunan na rin,” sabi pa ng direktor.
Natanong din siya kung bakit laging kasama sa project niya si Rosanna Roces, totoo nga bang paborito niya ang aktres?
“Bumubuo po kami ng sindikato,” birong sabi ni direk Daryll. “Mama O sinabi ko na sa sa kanya, Pornstar palang na it’s really a dream na makatrabaho ko siya.
“Gustung-gusto ko siya talaga sa Babae sa Bintana tapos napapakiusapan naman siya sa schedule ang kanyang availability.
“Nagkatagpo lang talaga kami na walang ilangan siguro kaya laging nagkakatrabaho. Everyday sunshine working with Mama O. I’m a chill director, I don’t want to stress people around me and magaan siyang katrabaho at matalino.
“‘Yun lang lagi request ko sa Viva lagi na bigyan nila ako ng matalino kasi iyon ang mabilis na makatrabaho more than sa mahusay o magaling (umarte), sa matalino talaga,” pahayag ni direk Daryll.
At base sa trailer ng “Kung Pwede Lang” na ipinakita sa mediacon ay real talk talaga ang kuwento na nangyayari sa pang-araw-araw kaya marami ang makaka-relate sa rantseryeng ito ng Viva Films na mapapanood sa VivaMax.
Kasama rin sa cast sina Dexter Doria, Carlyn Ocampo, Loren Marinas at Bob Jbelli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.