Hirit ni Chito kay Kiko: Ako po talaga ang paborito niyang pamangkin, bago dumating si Donny... | Bandera

Hirit ni Chito kay Kiko: Ako po talaga ang paborito niyang pamangkin, bago dumating si Donny…

Ervin Santiago - April 25, 2022 - 11:11 AM

Neri Miranda at Chito Miranda

GINAMIT ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang isa nilang sikat na kanta para ibandera sa sambayanang Filipino ang sinusuportahang vice presidential candidate ngayong 2022 elections.

Sa kanyang Instagram at Facebook account, nag-post ang singer-songwriter ng litrato kung saan kasama niya ang asawang si Neri Miranda at ang running mate ni Vice-President Leni Robredo na si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa caption na inilagay niya sa litrato, ginamit nga niya ang ilang lyrics sa iconic hit song ng Parokya ni Edgar na “Bagsakan” featuring Gloc-9 and the late Master Rapper Francis Magalona.

“Nandito na si Kiko, si Kiko Pangilinan…

“Sa mga hindi nalakaalam, uncle ko po si Kuya Kiko (magpinsang buo sila ng Dad ko)…at ako po talaga yung paborito nyang pamangkin, bago dumating si Donny,” simulang pahayag ni Chito na ang tinutukoy ay ang pamangkin ni Kiko na si Donny Pangilinan.

“Gusto ko lang sabihin na sooobrang bait nila ni Ate Sharon, at sobrang mahal ko sila, kahit mas mahal nila si Neri kesa sa akin,” sabi pa ni Chito.

Sumagot naman ang senador sa post ni Chito, “Hahaha…. don’t worry…ikaw pa rin ang paborito namin ni Ate Sharon na pamangkin na rock artist habang si Neri naman ang paborito namin na magsasaka sa Cavite!”

Bago pa ilantad ni Chito ang  pagsuporta sa kandidatura ng asawa ni Sharon Cuneta, nauna nang naghayag ang pamilya ni Francis M pati na si Gloc 9 ng pagiging Kakampink.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Kamakailan, naganap ang birthday rally ng mga Kakampinks para kay VP Leni Robredo, kabilang na riyan ang mga celebrities na sina Vice Ganda, Maricel Soriano, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at marami pang iba.

Narito ang bahagi ng speech ni Vice sa Pasay City rally, “Opo, ako po si Jose Marie Borja Viceral, kilala niyo sa pangalang si Vice Ganda, naniniwala kay Leni Robredo. Kapag si Leni Robredo ang ating ibinoto, tayong mga Pilipino ang mananalo!

“Tuwing eleksyon na lamang, lagi tayong nagsasama-sama para magpanalo ng kandidato. Dapat magpanalo tayo ng mga sarili natin, ng pamilya natin, at ng bansa natin!

“Tayo dapat ang manalo! Mga bata pa lamang tayo, pag naglalaro tayo, gusto natin kahit sa laro, tayo ang manalo, di ba?

“Kapag sumasali tayo sa mga patimpalak nung nag-aaral pa lang tayo, gusto natin tayo ang nananalo, di ba?

“Kapag sumasagot tayo sa mga pagsusulit sa mga eskuwelahan, gusto natin tama ang sagot natin,” deklara pa ni Vice.

https://bandera.inquirer.net/281494/bakit-nga-ba-nawala-si-chito-at-ini-report-sa-pulis-ng-pamilya-at-mga-kaibigan-noong-2010

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280720/osang-paborito-ni-direk-darryl-yap-magaling-umarte-matalino
https://bandera.inquirer.net/286355/maricel-pinatunayang-hindi-umaasa-si-meryll-sa-kayamanan-ni-willie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending